CHAPTER 2 *jeepney friends*

81 3 4
                                    

ayuuuun! Tapos na rin ang klase sa wakas! XD magkakasabay kaming umuwi nila Hannah at Jay Ann since parehas lang naman kami ng sasakyang jeep.

paalis na sana yung jeep kaso may pahabol na isang pasaherong babae na nagmamadali. Nung paakyat na siya..

"ugh! my books!" ayy englisherang palaka. Parang nahulog lang na libro eh.

"tulungan na kita magpulot" -Hannah

sinamahan ni Hannah yung babae hanggang sa makasakay na ng jeep.

"thanks" tapos nag-ayos siya ng gamit niya. "wait! Are we... classmates?" tanong nung babae. AbaEwan malay ko ba jan.

"yes" -Jay Ann

"oww. Well, Hi! I'm Sharmaine" tapos nagsmile siya. Sus pacute :p hahaha! Joke.

"hello. I'm Hannah. This is Jay Ann and Isha" tapos tinuro kami ni Hannah. Nagwave naman kami kay Sharmaine.

pagkatapos namin magpakilala kay Englishgirl. Nagkwentuhan lang naman kami sa jeep.

"ayy yup! Doon kami nakatira" -Sharmaine

"pambihira ka! Alam mo pala magtagalog pinahihirapan mo pa kami! Kita mo ilong ko? Nangamatis na kakaEnglish mo takte." pagbibiro ko. Eh kasi naman pinahirapan pa kami intindihin ang English tss.

"hahaha! Sorry. Korean kasi papa ko kaya nakasanayan ko na mag-english minsan" -sharmaine

"minsan?!?!" sabay naming sabi na tatlo.

"bat ganon? Kung Korean papa mo, eh bakit black ka? haha joke lang" sabi ko na pabiro.

"nagpapaitim kasi kami"

"weh?!!?" sabay nanaman kaming tatlo hahaha! parang parehas kami ng naiisip ah. XD

at simula nung pagbibiruan na yun, lagi kaming sabay sa pag-uwi. Laging magkasama, at tinaguriang jeepney friends kasi sa jeep daw nag-umpisa lahat. Daming arte nuh? hahaha!

pagkauwi ko sa bahay.. Knock out agad ako sa sobrang pagod. Edi iglip muna ako saglit..

***

friendship never endsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon