Patawad

21 0 0
                                    

Patawad

Narito nanaman ako at muling susulat,
Muling susulat ng tula upang magtapat,
Magtapat ng damdaming unti unti nang sumasalungat

Sana ito'y pakinggan
Sana buksan mo ang iyong isipan
Hindi ko ibig na ika'y saktan
Ako ay humihingi ng iyong kapatawaran

Patawad kung ikaw ang aking napagbintangan
Noong una ay ikaw pa ang aking pinagdududahan
Na baka ako ay agad mong  pagsawaan
At iba na ang iyong hagkan
Tulad ng ginawa mo sa iyong mga nakaraan

Patawad kung bigla na lamang akong maglalaho
Ayokong isisi sayo ang dahilan kung bakit ako ay susuko
At magkaroon na nang panibago;
Una sa lahat ay desisyon ko ito
Dahil hindi ko na kayang kumapit sayo

Patawad kung iiwanan na kita
Nawalan na kasi ako ng gana
Nang mapagtanto kong ang lalaking nagustuhan ko'y wala na
Nang hindi ko na maramdaman ang pagkasabik na ako'y iyong makita
Baka nga ikaw din ay nagsawa na

Patawad kung nagkakaganito ako
Namimiss ko lang ang dati kong sinisinta
Yung tumatawag kapag wala ka nang magawa
At mangungulit mula gabi hanggang umaga
Pati sa mga oras na ika'y may problema,
Hinahanap mo ang aking presensya.
Ramdam ko sayo noon na may pake ka pa
Pero ngayon? Masasabi kong wala na.
Palagi mo na kasi akong binabalewala

Patawad kung napaka demanding ko
Masama bang hilingin na makuha kahit katiting ng atensyon mo?
Gusto ko lang naman maramdaman na takot kang mawala ako
Hindi ko hinihiling na ako'y maging mundo mo
Ang gusto ko lamang makita ay ang pagiging mahalaga ko sayo

Patawad kung hindi ko na kinaya
Wag mo sanang isipin na pinaasa kita
Kasi ginusto kita
Pero may mga bagay na humihila sakin pababa
At sinasabing tigilan na kita
Dahil sayo'y paulit ulit lang akong lumuluha

Ngayon, gusto na kitang bitawan
Ilang beses ko na itong pinagplanuhan
Kung sa ngayon ay matuloy man,
Ayoko na itong pigilan
Humihingi ako ng kapatawaran dahil hindi ko ito pagsisisihan
Sana sumaya ka na sa bago mong ka-ibigan
Habang ako'y mananatili mong kaibigan

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon