Pahimakas

108 0 0
                                    

Pahimakas

Ang sakit isiping
'Di mo na 'ko gusto
Ngunit sa isang banda,
Inaamin kong kasalanan ko.

Tinulak kita palayo
Sinabing kailan ma'y 'di magkakaro'n ng "tayo"
Hindi ko kasi inaasahang sa paglipas ng panahon,
Ang nararamdaman ko'y mas lalalim pa sa balon.

Ako ay nagsisisi
Gusto ko sanang ibalik ang dati
Upang hindi na magdalamhati
Ang puso kong puno na ng pighati

Sa ngayon,
Malamang wala nang pag asa
Nakahanap ka na kasi ng iba
Kaya susuportahan nalang kita
Kasi kaibigan mo naman talaga ako, 'diba?

Kahit ang puso ko'y nadudurog
Pag may kasama kang iba
Pero para sayo, aking iniirog,
Pipilitin kong maging masaya

Papanindigan ko ang sinabi ko
Kakayanin ko 'to
Huwag mo lang sana akong bigyan ng motibo
Para damdamin ay tuluyan nang magbago

At sana sa susunod nating pagkikita,
Tunay na ngiti ang mamamata
At hindi na mga matang umaasa
Sa pagmamahal mong kailan ma'y 'di ko na makukuha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon