Bagong Yugto

49 0 0
                                    

Bagong Yugto

Ano ba'ng meron sayo na wala sa iba?
Bakit ba kahit alam kong mapaglaro ka,
Ikaw parin ang hinahanap hanap ng aking mga mata?
Bakit handa pa rin akong maging tanga, makasama lang kita?
Nakakabaliw na 'tong nadarama
Unang beses ko itong natamasa
Ako yata'y tinamaan na

Ang daming beses kong sinabi na titigilan na kita,
Na isasarado ko na ang ating kabanata
Pero walang natupad ni isa
Nahahanap ko yung sarili kong sa'yo parin pumupunta;
Babalikan ka kahit ako'y nasasaktan mo na

Nagtatampo ako kapag nakikita kitang masaya sa iba
Iniisip ko na bakit hindi kita mapasaya tulad ng ginagawa nila
Yung tipong maiiyak ka sa kakatawa
Pero maiisip ko nalang na
Ano ba, eh doon ka masaya eh
Nakakatawa dahil wala namang namamagitan sa'ting dalawa
Pero bakit nga ba ganito ako umasta

Sa sobrang pagkagusto ko sayo
Gusto kong araw araw,
Ikaw ang kausap at ka-hagkan ko
Ngunit kailangan kong pigilan 'to
Baka kasi magsawa ka na agad at ako'y palitan mo
Baka kasi sa iba mo na ibaling ang atensyon mo

Bakit ganon?
Yung pagkagusto ko sayo, hindi mabahiran ng kahit na ano
Kahit libo libo ang kalalakihan sa mundo,
Hindi man ikaw yung sinasabi nilang tipo ko,
Pero ikaw at ikaw parin ang pipiliin kong makatagpo

Kita mo! Ang corny ko
Noon, hindi ko inaasahan na magagawa kong magsabi ng mga bagay na mala-keso
Mahiyain kasi akong tao
Pero dala ng aking pagmamahal,
Na gagawa ko ang mga bagay na ito
Iba ang epekto mo,
Nayanig ang buong pagkatao ko

Salamat sayo at sa samahan nating na-buo
Salamat at ipinaranas mo sa'kin 'to
Nang dahil sayo,
Nakukumpleto ang mga araw ko
Baon ko ang ngiting dala mo
At ngayon,
Handa na 'kong simulan ang bagong yugto ng buhay ko
Kung saan ang paksa ay ikaw at ako

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon