0

7 2 0
                                    

"SHO!"

Jusko sumisigaw na naman ang Tita, lagot na naman ako nito. Kung di lang malaki utang na loob ko sa pamilya nila, sisigawan ko na din sila. Para patas patas lang.

"Bakit po Ta?" mahinahon kong sabi kasi nga mabait nga akong tao.

Paminsan, iniisip ko kung bakit ako mabait. Well, di ko naiisip kung bakit because I am not!

"Samahan mo si Rei na mag grocery. Bilis na at tanghali na." Utos ng tiyahin kong puro utos nalang ang lumalabas sa bibig.

Well, because I am not good. "Malaki na si Rei Ta. Kaya niya na yon. Balik na ko sa room ko."

"Hoy Sho, di pa ko tapos.." and blah blah.

Incoming 3rd year college student na ko and I am taking  Accountancy. Si Mama ko ang bumuhay at bumubuhay sakin. Sa kasawiang palad nandito ako ngayon sa Tita ko kasi may 1 week out-of-town work si Mama.

Buti nalang uuwi na ko bukas. Hay, heaven is coming!!

Nagbabasa ako ng libro ng biglang nagvibrate yung phone ko. It's my Mom. Pinagisipan ko muna kung sasagutin ko yung tawag because if I know nagsumbong na si Tita. Pero bilang anak, takot pa rin ako sa nanay ko no.

After thinking, I answered the call. "Ma."

"Anak. I'm sorry but I will not be able to go home tomorrow. You will stay at your Tita for another week." okay, this is worst than what I expected.

"Ma naman. You know that I don't like staying here. I can live on my own naman maybe you can leave me at the house for a week." Well, there's no other solution but to live alone. But that's scary!! But on the other side, better than my scary aunt, right?

"Anak, you know I can't approve that. Just stay there for another week and I promise you're not going back again." Did I hear this right? Omg, dream come true na ito mga bakla!

Not going back to this old house and old town will be the greatest gift my Mom could ever give me. And sa wakas mga bakla, nagkatotoo na!!

"Okay fine. End of discussion. Bye Ma!" And I ended the call.

Another day has passed. At mukha namang walang magiging problema ngayong linggo kasi umalis sina Tita. Ako lang at si Rei ang natira dito sa bahay.

"Rei, nakapagcook ka na ba ng lunch?" I asked Rei while eating my brunch in front of the TV.

"Yes. Nandon na sa lamesa nakatakip. Tsaka nga pala aalis ako--"

"--not interested. Leave if you want." pinutol ko na siya because I don' t care. I don't know why sobrang bait niya sakin. Sobrang sama ko kasi sa kanya if it is not halata naman.

"Ah sige."

I continue watching TV for almost 2 hrs straight. And I don't even know whta time is it. Showtime is freaking funny. Bakit kasi ngayon lang ako nanood ng TV? 

"Shet it's almost 3 na. Where is Rei na ba?" Balak ko kasing maglibot kaso walang magbabantay sa bahay na di ko naman bahay.

Saktong pagpatay ko ng TV ay pagbukas naman ng gate. It's Rei and a guy.

"Hey." I waved at them when they came in. Kumunot naman ang noo ni Rei because ang bait ko but she just shyly waved at me too.

"Sho, si Damon nga pala. Damon, si Sho, pinsan ko." Nag-hi lang ulit ako and smile at him. Well, I'm not interested. I'm just being polite. Well, may ganon akong side kahit bad ako.

"Sige sho, sa taas lang kami." I just nod.

Kung ano man sila sa isa't isa, I don't care. Sana lang ay gumamit sila ng protection.

Kinabukasan, nandito na naman yung Damon. Nako, sinasamantala talaga ni Rei na wala si Tita. Well, matalinong pinsan. Kadugo ko naman siya so payag ako.

"Sho, gusto mong sumama? Pupunta kaming bayan." Pukaw ni Rei sa atensyon ko. Sa wakas, makakalabas na din ako dito.

"Of course, just wait for me. Magaayos lang ako." sabi ko with a full smile.

"Parang di mo naman na kailangan, maayos na yang suot mo." Damon said.

"It's nice of you to say that Damon but I will change my clothes and that is final." sinabi ko yon ng kalmado at mabagal because it seems like he doesn't get it the first time.

Pinigilan na lang siya ni Rei ng magsasalita pa sana siya. Well, buti nalang because baka di kami matapos. I will not back out, no way.

Nasa isang park kami na malapit lang sa bahay nila Rei. Nagsuot lang ako ng shorts and comfy na white t-shirt pairing it with my favorite crocs. Nandito lang kami nakaupo habang itong dalawa sa tabi ko naglalandian.

"Sho, gusto mo ng ice cream?" tanong ni Damon. Tumango ako. "Okay. Bili lang ako Rei."

Nung umalis na si Damon, tinanong ko si Rei. "Kayo ba non?" namula naman ang bruha.

"Ah hindi." disappointed niyang sabi. "Childhood friends kasi kami kaya close kami." Tumango nalang ako. Well, mahina pala ang pinsan kong ito. Halata namang gusto niya, pabebe pa.

Dumating na si Damon. May dala siyang tatlong ice cream na nakacup.
"Cookies and cream para sayo, favorite mo." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. How the hell did he know that?

"How did you know that?" nakita ko ang pagkabalisa sa mukha niya.

"Rei told me." tapos umupo na siya sa tabi ni Rei at di na ko pinansin. Weird. Tsk.


Maya maya naramdaman kong may pumapatak na tubig mula sa itaas. And what the hell, it looks like it's going to rain.

Napatingin naman ako kila Rei to see if may balak silang umalis na. But, nakita ko nalang na nakatingin na pala sakin si Damon. He has pretty eyes. And I am drowning in it. I snapped out in our staring contest when he suddenly grab me and run.

"What the hell? Bitiwan mo nga ako. Siraulo ka na ba?" pero tila di niya naririnig because he keep running hanggang sa makasilong kami.

Then, a memory suddenly flash in my mind.

Running with a guy while it is raining in a park. We are both laughing and when he turn around. It's Damon. It's freaking Damon.

Nawala ako sa pagiisip ko ng bigla akong kausapin ni Damon.

"Hey. Are you alright? I am sorry for grabbing you. It is raining already and it seems like you doesn't care. Baka magkasakit ka eh." paliwanag niya. When I look around di na namin kasama si Rei.

"Asan si Rei?" that's the only thing I asked after the grabbing part that he did.

"Ah nagcr siya kaso di na siya bumalik nung umuulan na baka nagpatila na don." I nod.

I can't stop thinking about what I saw. Me and Damon? How the hell did that happened? Or did it happened? Or I am just imagining things?

Nang tumila na ang ulan, inaya na ko ni Damon na umalis. Pero baka pa kami makaalis don, I grab his hand and ask him.

"Damon, do I know you?"

Far From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon