3

4 0 0
                                    

Alas dos na ng umaga ng magayang umuwi sila Tita. Ayoko sanang iwan si Damon pero sabi naman ng mga friends niya sila na bahala.

"Ay jusko! Anong nangyari kay Damon?" tanong ni Rei. Ang OA ng babae na to parang nalasing lang naman.

"Uminom ng marami so nalasing, kung di naman halata hano." nakangiti kong sagot kay Rei. Hay, nabwibwisit na naman ako sa babae na to. Feeling jowa kung maka care.

"Bakit kasi kayo uminom ng uminom? Di naman ganito uminom si Damon. Alam niya kapag kailangan na niya tumigil." sagot naman niya habang hinahaplos pa ang buhok ni Damon. Landi landi, kakainis. Ako pa ang sinisisi. Malay ko ba sa Damon na to kung bakit naglasing.

"I don't know Rei. Shut up. I'm going home." tumayo na ko at umalis don. Pero bago ako umalis nagpaalam na din ako kila Noah, Kyle and Troy. They're good people and I like them.
Well, so much for saying na ayaw ko iwan si Damon. Hay, nandon naman na ang pinsang kong bruha.

Hinanap ko nalang si Tita para makauwi na ako. Kahit naman masama ako, natatakot pa rin akong umuwi magisa hano. Nakita ko si Tita with a bunch of oldies. Parang nagpaalam na siya sa mga yon.

After ilang minutes, tapos na silang magpaalama sa isa't isa.

"Sho, asan si Rei?" tanong sakin ni Tita. I just shrug. Baka masabi ko pang nandon yung anak niya nilalandi si Damon.

"Sige. Itext ko nalang na sumunod sa atin. Alam naman niya ang daan pauwi." tumango nalang ako at sumunod na kay Tita pauwi.

------

"Sho, hindi ganyan." tumawa naman siya. "Wag ka kasing matakot." inirapan ko naman siya.

"Paano ako hindi matatakot? Pag nahulog ako dito, kawawa yung legs ko."

Nasa park kami ngayon ni Damon. Tinuturuan niya kong magbike. Well, wala naman kasi akong magawa so pumayag na ko na sumama sa kanya.

"Puro gasgas naman na yang legs mo ah." nakita ko namang pinasadahan niya yung legs ko. Kaya sinapok ko siya. Gwapong manyak naman pala to.

"Aray naman." daing niya habang nakangiti. Mukhang siyang sira, nasaktan na masaya pa.

"Wag mo ngang tinitignan legs ko, bwisit ka!!" tumawa naman siya habang ako bwisit na bwisit.

"Hindi na. Tara na nga, baka matumba ka pa sa bike na yan." tumango nalang ako. Bakit ba ang masunurin ko pagdating sa kanya? Ang landi ko naman, shet.

"Damon." tawag ko sa kanya. Nasa gilid ko siya, tinutulak niya yung bike habang nakasakay ako. Well, di nga ako marunong diba and nakakatakot.

"Oh?"

"Bakit mo alam na di ako marunong magbike?" kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nung inaya niya kasi ako kanina, nagaya agad siya magbike pero isa lang ang nirent namin. Sabi niya tuturuan lang daw naman niya ako. Wala naman akong sinabi na di ako marunong. Pero parang alam niya.

Kanina ko pa yon iniisip pero ayaw ko magtanong. Baka kasi iwasan na naman niya yung tanong ko at masira yung araw. Ayoko pa naman na mastress. Konting araw nalang naman at aalis na ko dito.

"Hula lang ha-ha." nakikita ko na hindi siya comfortable sa tanong ko. Ano na talagang tinatago mo, Damon?

"I'm not stupid, Damon. Answer me honestly." tinigilan ko ang pagpedal at pinigilan ang paghila niya sa bike. Nakatingin lang ako sa kanya. Pero di pa rin siya sumasagot, nakatingin lang siya sa ibaba.

"Damon, you've been avoiding my questions since the 1st day I've asked you about this. Sabi mo kausapin ko si Mama, pero mula nung araw na yon di ko na siya macontact. What is happening? I don't think this is just a coincidence, Damon. You're hiding something from me." Tinignan na ko ni Damon. Nakita ko ang hirap sa mata niya, sa maganda niyang mata.

"The reason why I know many things about you is because..." nakikita kong nahihirapan siyang sabihin. And I don't want to force him but I need to know the truth. "Because of what, Damon? Answer me!"

"I like you." diretso niyang sagot. What did I heard it right?

"What?" naguguluhan kong tanong.

"I like you Sho. I like you and Rei is helping me to know things about you. Are you satisfied now?" iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Shet, okay nakakahiya pala to. I know na maganda ako no pero awkward pa rin pala talaga kapag may umamin sayo.

"But why are you telling me to talk to Mama? Ano yon nagpaalam ka na sa nanay ko bago mo sabihin sakin?" At balak pa talaga niyang si Mama ang magsabi sakin na gusto niya ko. Siraulo talaga tong gwapo na to.

Napangiti naman siya. "Yes. Kilala ko na ang Mama mo bago pa kita makilala. And I respect her." kaswal niyang sabi. Napatingin naman ako sa kanya. Wow, respeto muna sakin oh.

Pero naalala ko yung mga panaginip ko or whatever kung ano man sila bigla. Anong connect ng mga yon dito? And why would I dream of him, I dont like him. Maybe I'm attracted to him yeah, but that's because he's gwapo naman talaga.

Nakakahiya namang itanong yon sa kanya. Baka akalain niya pinagnanasaan ko siya. Like duh, not in a million years na bibigyan ko siya ng ganong impression.

"Okay." sagot ko nalang sa kanya. Well, I don't know what to say.

"That's it?" tanong niya. Tumango naman ako at umiwas na ng tingin. Nakakalusaw na eh. "Nahihiya ka ba Sho?" nangaasar niyang sabi. Napairap naman ako. Ang kapal talaga ng hinayupak na to.

Kaya naman nagpedal ako at nagbike kahit alam kong di ko pa kaya. "Sho!!" sigaw ni Damon.

Oh shit. Please don't let me down, bike. Kaya natin to. Nagpedal lang ako in straight line. Buti nalang walang taong dumadaan. Tinry kong magpaliko liko.

"Omg!! Marunong na kong magbike." sobrang saya kong sigaw. Hindi ko alam kung nasaan na si Damon, kung sinundan niya ba ko or hindi. Ayaw kong tumingin sa likod eh, baka matumba ako.

Pero di ko namalayan nasa dulo na pala ako ng lane. Babangga na ko sa pader!! Shet, asan yung brakes ng hinayupak na bike na to.

Pinress ko yung nasa right handle nung bike and pinikit ko ang mga mata ko. Unting unting humihinto yung bike but I don't know if it will be enough to stop before I crash to the wall.

The bike stop. And when I open eyes, I was infront of the wall. I did it. I did it!! Bumababa ako sa bike at nakita kong nakasunod sakin si Damon. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.

"Marunong na kong magbike!!" masayang kong sabi sa kanya. Di niya inaasahan ang pagyakap ko kaya muntikan na kaming matumba buti nalang nabalance niya sarili niya.

"Good job." sincere niyang sabi. Nang natauhan ako ay bumitaw na ko sa yakap.

Tumikhim ako. "Galing ko no hehe." sabay sapok ko sa braso niya ng pabiro.

"Yeah, kain tayo?" aya niya. Tumango ako at tumalikod upang kuhanin yung bike ko.

Pero bago pa ako makalakad ay nahilo ako. Nawalan ako ng balanse. "Sho?" narinig ko ang boses ni Damon.

"Damon." tawag ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa braso ko. Pero bago pa ko makapagsalita ulit, nagblanko na ang paningin ko.

Far From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon