4

3 0 0
                                    

Dirediretso akong pumasok ng bahay. Hindi ko na siya hinintay. Bakit kasi masyado akong nagassume? Sana pala di nalang ako umuwi.

"Sho!!"  Sigaw niya. Pero di ko pa din siya nilingon. Pagkapasok ko ay nahabol niya ko at hinila paharap sa kanya.

"Bakit?" Nakangiti kong sabi. Bawal kong ipakita na nasasaktan ako. Sobra sobra. Kasi magmumukha naman akong tanga, na naman.

"Galit ka ba?"

"Hindi." Oo.

"Bakit ka nagmamadali?"

"Pagod na ko. Gusto ko na magpahinga."  Pagod na ko magpanggap na okay lang ako sa harap mo. Gusto ko ng umiyak at ilabas lahat ng nararamdaman kong sakit.

"Akala ko di kayo magkakasundo ni Kath." Kath. Si Kath. Yung taong pinakilala niya bilang girlfriend niya. Wow. Akala ko ako. Puta, sobrang paasa naman kasi. Sarap niyang sabitan ng karatula na nakalagay "Paasa ako, kailangan iwasan."

Wala man lang siyang sinabi sakin na may nililigawan pala siya dito sa probinsya. Kung alam ko sana, di na sana ako nagassume. Umasa ng sobra sobra.

"Ah. Mabait naman siya."  Sobrang bait. Ano namang magagawa ko? Sobrang lakas ng kalaban ko. I don't even know kung may laban. Option ba ko?

"Thank you for being nice to her. Kung wala ka don baka wala ng pumansin sa kanya." Kagagaling lang namin sa birthday ng Mama niya and unfortunately for him ayaw yata ni Tita kay Kath. Well, I can count that as my advantage. Hay, kahit don nalang panalo ako at di maagaw ni Kath sakin no.

"Pagpasensiyahan mo na si Tita. Baka nagulat lang."

"Yeah. Sige na, magpahinga ka na. Sunduin kita bukas ha, samahan mo si Kath manood ng game ko."  Wow. Wala pang isang araw makakasama ko na naman silang dalawa. What did I do to deserve this?

Tumango nalang ako. "Bye." Niyakap niya ko at hinalikan sa noo. Lagi niya yon ginagawa bago siya umalis. Pero di ko alam na gagawin niya parin iyon ngayon. May Kath na siya. Paasa nga ang hinayupak.

"Bye! Sweetdreams, Sho."

Kinabukasan maaga akong sinundo ni Damon. Hindi pa namin kasama si Kath. Gusto daw niyang bumili muna kaming breakfast at tsaka sunduin ang girlfriend niya. Wow, sweet. Wow, sarap nilang paguntugin. Kaya naman niyang bumili ng breakfast magisa niya. Sasama pa ko sa mga tactics niya, bwisit.

Papunta na kami sa bahay nila Kath. Bumili lang kami ng Mcdo. "Damon-yo ka talaga no. Mcdo lang pala bibilhin natin, sobrang aga mo pa ko ginising." Tumawa naman siya kaya sinapak ko siya sa braso. Sumasakit pa ulo ko sa kakaiyak kagabi tapos sila na naman makikita ko umaga palang. Wow, sarap naman mabuhay.

"Aray naman. Ayaw mo ba non, free breakfast ka din oh."

"Hoy free naman talaga breakfast ko. Sa bahay ako kumakain no." Sabay irap ko sa kanya.

"Wag ka ng magreklamo. Suportahan mo nalang ako." Ano pa bang magagawa ko? Kahit mukha na kong tanga, nandito pa rin naman ako.

"Pasalamat ka talaga kaibigan mo ko." 

"Salamat." Sinamaan ko siya tingin. Pero tumawa lang ang gago. Siya na ang masaya, ako na hindi. Edi wow.

Pagdating namin sa bahay nila Kath, si Damon lang ang bumaba at naghintay nalang ako sa kotse. Hay, get ready Sho. Masakit to. Buong araw na to.

Nakita kong lumabas na sila sa bahay nila Kath. Magka holding hands. Wow, malalandi. Paglapit nila sa kotse, kinatok ako ni Damon. Binuksan ko naman ang bintana.

"Oh?" Tanong ko. Ngumiti naman siya at bumulong sakin. "Lipat ka sa likod." Sabay tapik niya sa braso ko. Wow, sobrang wow lang.

Pero di ko na siya tinanong kung bakit, lumabas na ko. Pero imbis na pumunta sa likod, naglakad ako palayo. Bahala sila dyan.

"Sho!!" Sigaw ni Damon. Pero di ko siya nilingon. Naghanap ako ng masasakyan na tricycle. Pumara ako sa may paradahan. Nakita kong nasa likod ko na pala si Damon. "Where are you going?"

"Uuwi na." Simple kong sagot.

Kumunot naman ang noo niya. "May problema ba?" Marami.

"Wala. Naisip ko lang na mas okay kung kayo lang muna ni Kath ang magkasama. Susunod nalang ako mamaya pag game niyo na."
Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. "Tsaka ayoko namang maging thirdwheel hano duh. Masyado akong maganda for that." Sabay tawa ko ng fake.

Tumango siya. "Sige. Basta wala tayong problema at pupunta ka sa game ko mamaya." Ako naman ang tumango at ngumiti. Sakto namang dumating ang tricycle. Pasakay na sana ko pero niyakap niya ko at hinalikan sa noo. Nagulat ako kaya tinulak ko siya.

Hindi ko na tinignan kung anong naging reaksyon ni Damon at mabilis akong sumakay sa tricycle. "Sa Villa Tres po kuya."

Nandon si Kath. Paano kung nakita niya yon? Baka kung ano akalain niya. Kahit naman ayaw ko sa kanya, ayaw ko naman na masaktan ang kapwa ko babae na nagmamahal lang. Wala naman siyang ginawang mali.

Hay. Di ko naman alam na kahit may jowa na si Damon ay gagawin niya pa rin yon. Masaya ako na di pa din niya nakakalimutan yon. Pero nakakalungkot. Ginagawa niya yon sa akin nung wala siyang girlfriend at magkaibigan lang kami. At kahit ngayon na may girlfriend siya at magkaibigan pa din kami ay ginagawa niya pa din yon.

Walang malisya yon sa kanya. Talagang kaibigan lang tingin niya sakin.




Ang sakit ng ulo ko. Paggising ko, nakita kong nasa hospital ako. Nanaginip na naman ako tungkol kay Damon pero parang totoo. Di ko alam kung paano nangyari yon. Wala naman akong matandaan na nagka amnesia ako. Wala namang sinabi sakin sila Mama.

"Sho." Tawag sakin ni Damon. Siya ang nagdala sakin dito. Naalala naman ang nangyari kanina.

"Bakit daw ako nahimatay?" Tanong ko. Napabuntong hininga siya.

"Sorry Sho. I shouldn't drag you into these."

"What are you saying? Ano bang nangyari?" Sunod sunod kong tanong. Pero nakayuko lang siya at nakahawak sa kamay ko.

"Just forget all the things I said today. Sorry." Tumalikod na si Damon at mukhang aalis na siya. What the hell is happening? Kung di lang sumasakit ulo ko, masasapak ko tong tao na to.

"Damon, ano bang sinasabi mo? Nababaliw ka na ba? Wala ka namang kasalanan. Maybe mainit lang kaya ako nahimatay or something pero it's not your fault."

Tumigi siya sa paglakad at humarap sa akin. "Hindi mo yon alam." Matigas niyang sabi.

"Yon na nga eh. Wala akong alam. Damon, ano ba tong laro na to? May pa i like you i like you ka kanina tas ngayon forget those things na lang? Pinaglalaruan mo ba ko? Please, sumagot ka naman na ng matino this time."

"This is not the right time, Sho. I promise I'll explain but not now. Goodbye, Sho."











Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Far From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon