MAZE MARCHESSA SANTIAGO POV
Sunday, 8:35pm"MAZE!" Nagulantang naman ako sa sigaw ni Daddy. At natutulirong tumingin sakaniya.
Kumakain pala kami ngayon. Natulala kasi ako ng maalala ko yung PDA namin kanina ni Love sa airport.
"Dad?" Napapahiyang tugon ko ng mahalata kong lahat kami ay natigilan sa pag-kain.
"Ano ba ang nangyayari sayo? Kanina ka pa tulala?" Sunod-sunod na tanong ni Dad at masama na ang tingin sakin.
Tumingin ako kay Mommy pero binigyan niya lang din ako ng nagtatakang tingin. Hindi ko naman matagalan tumingin sakanilang dalawa kaya binaling ko na lang ang tingin ko sa pagkain kong di ko pa nagagalaw.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko. Kakasama-sama mo diyan sa babaeng yan. Tignan mo, nagbabago ka na?!"
"Dad naman?" malumanay na sabi ko.
"Anong Dad naman? Kakasunod sunod mo diyan sa babaeng yan ay napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. Ni hindi ka na nga namin maramdaman ng Mommy mo. Wala ka nga halos dito sa bahay at ang uwi mo pa ay madaling-araw na. Nakukuha mo na rin tumakas! Yan ba ang itinuturo sayo ng Sullivan na yan?" mahabang litanya ni Dad.
Hayst >_< Kailan ba siya titigil kakadakdak! Kainis!
"Dad, stop." Pag-aawat naman ni Mommy na hinampas pa ang kamay niya sa mesa.
Wala naman akong nagawa kundi mapayuko na lang.
"Kumain na muna tayo. Look at your daughter, ni hindi man lang magalaw ang pagkain niya." Sabi ni Mommy. "Sige na, Maze anak! Kumain ka na muna."
Dahan-dahang tumango naman ako. Susubo na sana ako ng magsalita na naman si Dad. Naiwan tuloy sa ere ang kamay ko.
Yung totoo! Wala ba siyang balak kumain muna at mamaya na ang sermon?! Tsk!
"Daughter-daughter! Marchessa yang anak mo ay labing-anim na taong gulang palang. Pero nagagawa ng makipag-relasyon.. at sa babae pa?!" inis na sabi niya kay Mommy habang nakaturo pa sakin ang kaliwang kamay.
"Tapos mas matanda pa sa anak mo ng anim na taon and what's worse than that anak pa ng mga Sullivan. Nakakahiya naman sa pamilya nila?!" dugtong pa niya. Saka pabagsak na binaba ang kamay. Napapikit ako sa takot.
Hays naman! Nawalan na ako ng gana kumain, sana pala sumama na lang ako kay Love sa condo niya.
"Maze, hindi normal yang pakikipag-relasyon sa kapwa babae ha! Tigil-tigilan niyo yang mga kalokohan niyo!" Napa-singhap naman ako.
Kalokohan? Hindi normal? Gusto kong magalit. Pero wala akong lakas ng loob.
"And please, ayusin mo ang pag-aaral mo. Hindi ko na nga masiyadong pinapakealaman yang mga kalokohan mo. But doing all these, madalas mag-cutting, madalas tumakas sa gabe at madaling araw na umuwi, nakikipag-nobya sa kapwa babae. Por pabor, Maze! Hindi ka namin pinalaking ganiyan?!"
Hindi siya nangengealam! Pero mas madami pa siyang nasabe sa mas may pake.
"Aze, please let's just eat. Lumalamig na ang pagkain. Minsan na lang tayong magkasabay-sabay at ganito pa tayo lage." Pagsusumamo naman ni Mommy kay Daddy.
Natahimik naman bigla si Daddy. Nagtitigan pa muna sila saglit at napabuntong-hininga na lang si Dad. Napangiti naman ako deep inside.
Pagkasubo ko naman. Ay hindi ko na rin nagustuhan masiyado ang pagkain dahil malamig na. Pero pinilit ko paring ubosin at hindi na hinayaang makapagsalita pa si Dad. Minadali ko na ang pag-subo, pag-nguya at paglunok. Kelangan ko pang matawagan si Love.
BINABASA MO ANG
Crazy in love with a sinner
RomanceCrazy in love with a sinner...And this story proves that loving too much is not wrong. But what you do when you love too much!