Chapter 4

9 0 0
                                    

THIRD PERSON POV

Thursday, 8am
Scarlet University

Nagsisimula pa lang ang klase ng lahat. Merong tumatakbo sa hallway. Meron mga nakaharang sa daanan dahil nag P-PDA. May mga kumukuha ng gamit nila sa locker. May mga tao din sa canteen na walang pake kung simula na ng klase, makapag-chismis lang. At meron din isang Maria Alexandra Blare na rumarampa papasok ng classroom nila kahit 30 minutes late na siya.

Pagpasok niya ay nagkatitigan pa sila ng Professor niya na kilalang 'Sir Manyakis' sa buong school. Napangiwi naman agad si Alex ng maabutan ang malagkit na tingin sa kaniya ng Sir niya. Hindi sa nagmamalaki si Alex, lahat ng magandang katangian nasa kaniya. Bagay ang uniporme nila dahil hapit ito sa katawan niya. Malaking hinaharap, malaking pwet, pouty lips at mahabang buhok na abot bewang(may bangs pa).

Sir Manyakis: Woah! *Namangha* You're too early for tomorrow, Miss Blare.

Alex: Thank you, Sir! At least nakita niyo na agad ang kagandahan ko ngayon pa lang. *Kumindat*

Lumapit naman agad si Alex sa tabing upuan ni Maze. Si Maze na nakabusangot dahil kanina pa din siya napapansin ng Professor nila. Madalas kasing si Alex ang pinagkadidiskitahan ng Prof, pero dahil late siya si Maze ang nakita.

Alex: Ang aga aga... *Tumingin kay Maze* pero ang face mo mukhang pinagsakluban ng langit.

Maze: *Umirap* Bakit kasi late ka?

Alex: I told you, I need my beauty rest! At saka si Sir Manyakis lang naman yan. Konting kindat, papalampasin ka na. Onting landi, makakapasa ka na. At isang tuwad lang, pwede ka ng grumaduate.

Tinignan si Alex ng nandidiri. Hindi na lang sumagot si Maze at nakinig. Kinuha naman ni Alex ang phone niya at nakipag-text na lang kay Marvin.

To: BABY MARVIN ❤

Goodmorning, baby! Can't wait to see you tomorrow. :* <3

From: BABY MARVIN ❤

Hey, babe! Mas maganda ka pa sa umaga ko, eh!

Reply

Oh, really? Kahit hindi mo pa ako nakikita?

From: BABY MARVIN ❤

Malakas pakiramdam ko! ;)

Reply

Tse! Bolero.. I almost forgot, may kasama pala ako pagpunta ko diyan.

From: BABY MARVIN ❤

Sino naman?

Reply

Just a friend of mine. Girl siya, err tibo  pala.

From: BABY MARVIN ❤

Sige, okay lang! Pero isa lang ha. Gusto kitang ma-solo eh. Sayang, tibo! Wala siyang makaka-partner. Puro lalaki kaibigan ko.

Reply

Kasama mo mga kaibigan mo pag nagkita tayo?

From: BABY MARVIN ❤

Kahit hindi na! Maloloko ang mga yun. Ayokong hahawakan ka ng iba. Sakin ka lang.

Kinilig naman si Alex. Minsan lang kasi siya makaramdam ng lalaking, pinagkakait siya at napaka-protective. Napansin naman ni Maze ang malikot niyang kaibigan. Naiistorbo siya sa pagsusulat.

Maze: Ano ba? *Naiinis na tono* Pag hindi ka tumigil diyan, ikaw susulatan ko.

Alex: *Natigil* Eh kasi naman si Marvin hinaharot ako eh.

Crazy in love with a sinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon