Chapter 2

11 0 0
                                    

MAZE MARCHESSA POV

Wednesday, 8:05am
Scarlet University

Dalawang araw na rin pala ang lumipas mula nung incident namin ni Love na muntik na kaming mahuli ni Mommy.

At ito ako tumatakbo papuntang elevator, limang minuto na akong late sa first subject namin. Late na akong nagising kanina dahil magkatawagan pa kami ni Love hanggang alas-tres ng madaling araw.

"Sana wala pa si Sir!" Bulong ko sa sarili ko. Hindi ako pwedeng ma-late. Terror ang teacher ko sa first subject. Walang pinapalagpas yun, panigurado makakarating na naman 'to kayla Daddy.

Sakto! Pasara pa lang ang elevator, pumasok na agad ako.

"What floor, Ma'am?" Tanong nung babae.

Pinunasan ko naman ang pawis kong tumulo na sa gilid ng noo ko. "Sa 3rd floor, Ate..." Sinilip ko naman ang name card niya sa dibdib. "..Kristel."

Nginitian niya lang ako. Mabilis lang naman ang elevator. Wala na kasing mga estudyanteng pakalat-kalat. Paniguradong nasa klase na sila.

Im so dead

Malapit na ako sa classroom ng makasalubong ko si Alex. "Alex!" Hinihingal kong sabi.

"Omygod! What happened to you? Its so early pa but you look like pauwi na." Maarte niyang sabi. "Alam mo girl, hindi yan nakakaganda."

"Si Sir? Nandiyan na ba si Sir?" Nilingon ko naman ang pintuan ng classroom. Nakasarado na yun.

"Ha? Hindi mo ba binasa yung post niya sa school page natin." Umiling naman ako. Napairap naman siya. "Argh! He said, wala tayong class like right now because may meeting conference ang mga teacher."

Huminga naman ako ng malalim. Mabuti naman kung ganun.

"Halika nga sa CR! Hindi kita matignan ng maayos. You look so haggard, Beshy Maze." Nandidiri naman niya akong tinignan at hinila sa CR. Nagpahila na lang ako.

Pagpasok namin ay hinablot naman niya ang bag ko. "Nasaan na ba yun?" Bulong niya pa sa sarili niya at kinalkal ang bag ko. Nanlaki naman ang mata ko ng tinaktak niya ang bag ko at ibuhos lahat ng laman sa sink.

"Hoy! Ano ba? Kakaayos ko lang niyan, eh!"

"You call this maayos! Nasan na ba kasi ang kikay kit mo. Err!" Nakita naman niya ang pink na pouch. Sinimulan ko namang ayusin ang gamit ko. "Okay, quick retouch lang 'to. Hindi porket may boyfriend-- err, girlfriend ka na I mean, hindi ka na magpapaganda."

Humarap naman kami sa salamin. "Hindi naman kasi ako mahilig mag-ayos.. minu-minuto katulad mo, Beshy Alex."

"DUH! I have a beauty to maintain kasi unlike you, mukha ka ng anghel! Wala ng aayusin sayo, girl." Sabi niya habang pinipinturahan ang mukha ko. Natawa naman ako. Simpleng make-up lang ang ginawa niya sakin. Yung parang no make up-make up look. "Done! Let's go sa caf na, Im starving." Tumango lang ako.

Nasa elevator na kami paakyat sa 4th floor kasi andoon ang cafeteria ng may maalala akong tanungin. "So kailan pala kayo magkikita ni Marvin?"

Napatingin naman siya sakin at napapikit sa kilig. "Omygosh! Buti pinaalala mo. Hihi! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Its like I'm still dreaming parin. Alalang-alala ko pa by heart ang mga sinabe niya kyaaaah,"

"Ang ingay mo!" Pag-saway ko sa kaniya ng mapansin kong tumitingin sa amin yung ibang estudyanteng nakasabay namin. "Eh kelan nga?"

"Kyah! Sa friday na, Beshy Maze." Excited niya pang aniya. "Kung hindi mo ko sasamahan makipagkita. Samahan mo na lang akong bumili ng damit ko. Okay? Wala naman kayong lakad ni Mariel, diba?"

Crazy in love with a sinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon