Chapter 5

4 0 0
                                    

THIRD PERSON POV

Friday, 7:30am
Dining Area, Santiago Residence

Sabay na umupo sa hapagkainan sina Aze Santiago at Marchessa Santiago, ang mga magulang ni Maze. Umaalingasaw naman sa kapiligiran ang bango ng niluluto ni Nanay Matilda. Habang si Maze ay nag-reready pa ng sarili sa kwarto niya.

Aze: *Uminom ng orange juice* Matilda, anong oras na umuwi si Maze kagabi?

Marchessa: Oo nga. *Inayos ang salamin* Hindi ko na rin siya naabutan. Hindi rin siya sumabay kumain sa'tin.

Aze: Anong hindi sumabay? *Seryosong tumingin kay Marchessa* Hindi na talaga sumasabay. Ayang bata na 'yan, puro si Sullivan ang inaatupag. Wala ng oras sa pamilya.

Lumabas ng kusina si Nanay Matilda dala ang isang bowl ng sinangag na kanin.

Nanay Matilda: Kayo.. *lapag ng kanin* Wag niyo munang pagalitan ang bata. Maaga pa at baka sumama ang loob pagpasok ng school. Hindi pa maka-aral ng mabuti.

Marchessa: *Tumingin kay Nanay* Nay, hindi naman namin yun pinapagalitan. Pinagsasabihan lang naman namin dahil baka nakakalimut na siya.

Aze: At hindi lang naman yun, lumalaki na siya, nagdadalaga, tinuturuan lang naman namin ng maayos. Dahil ang teenager ang pinaka-mahirap sa lahat, 'yang stage na yan ang matitigas ang ulo.

Nanay Matilda: Oo nga... *bumalik sa kusina* Wala naman akong sinasabi tungkol sa paraan niyo ng pangangaral kay Maze, ang akin lang wag ngayong umaga. Pare-parehas lang tayo mawawala sa mood.

Nagka-tinginan naman sila Aze at Marchessa, parehas napabuntong-hininga. Saktong bumaba naman ang nakangiting anghel na si Maze.

Maze: Goodmorning, Mom.. *Halik sa pisngi* Goodmorning Dad *Halik sa pisngi* Bakit hindi pa po kayo nagsisimula?

Marchessa: *Tumingin kay Aze* Hinihintay ka namin.

Nanay Matilda: *Lumabas na dala ang mga ulam* Sige na. Kumain ka na, ija. At malilate ka na sa school.

Aze: Magpapahatid ka ngayon kay Oscar.

Maze: Its okay Dad. *Ngumiti* Susunduin ako ni Love ngayon.

Aze: No, *tumingin ng seryoso* kay Oscar ka ngayon.

Maze: B-but Dad...

Aze: Hindi and that's final.

Nanlumo naman si Maze. Nakatingin lang si Nanay Matilda kay Aze.

Marchessa: *Lunok* Anak, anong oras ka pala umuwi kagabi?

Maze: Hmm... *Nag-alinlangan* lagpas 9 na rin po.

Aze: *Padabog na nilapag ang kutsara* What? At bakit gan'un ang uwi mo? Gawain ba yan ng matinong babae?

Nanay Matilda: Aze, huminahon ka! Hindi makapag-paliwanag ang bata.

Maze: Kasi po hinanap pa namin si Alex.

Marchessa: Alex? Bakit nawala ba siya?

Maze: *Nagkibit-balikat* 'Di po nagpaalam e.

Aze: Jusmiyo! Ang mga kabataan ngayon, oo. *Napahawak sa sintido at hinilot*

Marchessa: *Hinawakan sa kamay si Aze* Honey, calm down. *Tumingin kay Maze* Oh, eh anong balita kay Alex?

Maze: Tumawag naman po siya kagabi. Sabi niya nasa park lang daw siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy in love with a sinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon