Chapter 3

5 0 0
                                    

THIRD POINT OF VIEW

Wenesday, 3:45pm
Sullivan Corp. Building

Nasa loob ng opisina niya si Mariel. Abala at mapula na ang mga mata sa hinaba-habang oras na nakatitig sa kaniyang laptop. Tinatapos ang report paper na kanina pa hinihingi ng kaniyang Ama.

Natigilan naman siya ng may kumatok.

Mariel: Pasok.

Tina: *Pumasok* Ano? Hindi ka parin tapos?

Mariel: Obvious ba!

Tina: Chill ka lang! Nagtatanong lang ako. Ang init ng ulo nito. *Ngumuso*

Hindi naman magawang tignan ni Mariel si Tina. Bawat segundong pumapatak ay importante kay Mariel lalo na't nasa crisis na siya at wala pang tulog. Pasalampak namang umupo si Tina sa tabi ng table ni Mariel. Umuga ang table. Kaya inis siyang tumingin kay Tina.

Mariel: Bakit ka ba nandito?

Tina: Bakit ba ang init ng ulo mo?

Mariel: Kung manggugulo ka lang, ayan ang pinto... *Turo sa pinto* labas!

Tina: Hindi ako nandito para manggulo. *Irap* Andito ako para sabihin sayong kanina pa ako binubulyawan ng Tatay mo.

Mariel: Tell him five minutes.

Tina: Aba, Mariel! Kanina pa yang five minutes mo. Lumipas na ang isang dekada, hindi ka parin tapos. Kapag wala pa yan sa desk ng Tatay mo after five minutes. Magpasensyahan tayo, sa labas tayo ng kalsada pupulutin.

Mariel: *Napahawak sa sintido at hinilot-hilot* Please, shut up! Hindi ako maka-concentrate. Nakaka-distract ka.

Tina: *Natigilan* Talaga? Ume-effect din pala ang beauty ko sayo.

Mariel: Tsk!

Tinitigan naman ni Tina ang mukha ni Mariel. Palihim pa itong kinilig. Matagal na kasi siyang may gusto sa dalaga.

Tina: Akala ko talaga hindi mo napapansin itong *Turo sa mukha* kagandahan ko!

Mariel: Just leave! Wala ako sa mood makinig sa mga kaartehan mo sa buhay!

Tina: Talaga lang! Bilisan mo na diyan! Dahil wala din ako sa mood mapatalsik. *Walkout*

Hindi na lang pinansin yun ni Mariel. Itinuon na lang niya ang sarili sa pag-iisip. Halos mabaliw na siya. Wala pa siyang tulog at kain. Ni pagkurap ay hindi na rin niya magawa. Hindi pa niya nakikita ang lakas niyang si Maze. Wala namang humpay ang pagmamadali sa kaniya ng kaniyang Dad. At kanina pa siya ginugulo ng sikretarya niyang si Tina.

Natigilan lang siya sa pagta-type ng mag-vibrate ang phone niya. Kinuha naman niya yun. Nag-text si Alex. Bestfriend ni Maze.

From: Pinaka-maganda 'daw' sa buong earth -.-

If you're asking where we are, nandito lang naman kami sa Luxury Mall.

To: Pinaka-maganda 'daw' sa buong earth -.-

Bakit kayo nandiyan? Akala ko ba sa mas malapit na mall lang.

From: Pinaka-maganda 'daw' sa buong earth -.-

Well, its a long story. Gusto ko lang sabihin na tuloy tayo sa friday. At wag mo kong iinjanin! Sinasabi ko sayo hawak ko ang pinakamamahal mong babae.

Natawa naman si Mariel sa pagka-isip bata ni Alex.

To: Pinaka-maganda 'daw' sa buong earth -.-

Okay, boss! Anong oras kita susunduin sa friday?

From: Pinaka-maganda 'daw' sa buong earth -.-

Half day lang naman kami! At bago ko pa malimutan, ito ang address.

Crazy in love with a sinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon