PANIMULA

7.9K 119 0
                                    

(NOTE : UNDER REVISION ANG KWENTO NA ITO, MAY MGA SCENE NA NAGBAGO, MAY MGA CHARACTER NA NADAGDAG AT MARAMI DIN AKONG BINAGO SA SORY.

DAHIL SA PATULOY NIYANG PAGBABASA AT SA PAGBIBIGAY NYO NG KOMENTO AY NAPAG DESISYUNAN KONG I-REVISE ITO, I CREATE THIS STORY WAY BACK 2019-2022 I GUESS AND GRADUATING AKO THAT TIME KAYA TINAPOS KO NALANG AGAD TO PARA MASABI LANG NA MAY ENDING.

SO THIS YEAR 2023, NAPANSIN KONG MAY NAGBABASA PA, I DECIDED NA BIGYAN NY TIME PARA AYUSIN YUNG STORY. BARE WITH ME GUYS, MAY REVISION ITONG STORY PARA MAS OKAY YUNG RUN. THANK YOUUUUUU )




"Tol isang game lang tapos papasok na tayo sa next subject natin, sige na please!" Pakiusap sakin ni Ian.

Nasa tapat kami ngayon ng isang computer shop na malapit lang sa University na pinapasukan namin.

Hindi ako makapaniwala na hindi ako pumasok sa subject ko para samahan lang tong to sa paglalaro, sabi ko pa naman sa sarili ko na babawi ako ngayong sem dahil hindi naging maganda ang performance ko last sem.

"Ikaw talaga ang dahilan once na bumagsak ako" Inis kong sabi sa kanya.

"Kahit pumasok ka o hindi ka pumasok, babagsak ka pa din. Kaya tara na, laro na tayo? Isang game lang" Pagbibiro niya at sinahama niya pa ito ng pagtawa.

"Sige na, sige na, tara na" Inakbayan niya ako at naglakad na kami papasok sa computer shop.

"Miss dalawang open hour" Nakangiting sabi ni Ian sa babaeng bantay sa shop. 

"Computer 13 and 14 po" Naglakad na kami patungo sa computer number na sinabi ng babaeng bantay nitong shop.

Naunang umupo si Ian sa computer na napili niya, at ako naman ay hindi ko naituloy ang pag-upo ko nang mapansin ko ang isang babae na naglalaro ng League Of Legends, malapit siya sa pwesto namin at nasa likuran niya ako ngayon, nakasuot siya ng uniform sa University na pinapasukan namin ni Ian kaya siguro napansin ko siya dahil sa uniform niya.

Naglakad ako para mas mapalapit sa kanya pero hindi ko pinaramdam sa kanya na nasa likuran niya ako ngayon.

Mataas na ang division niya at ang galing niyang maglaro. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kamay niyang gamay na gamay ang bawat set sa keyboard.

"Pentakill" Pagsasalita niya gamit ang mahina niyang boses habang patuloy pa rin siya sa paglalaro. "Shit!!" Muli niyang pagsasalita at halatang naiinis na siya dahil napansin kong mabigat na ang pagpindot niya sa keyboard.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit nakangiti ako habang pinapanuod siya.

Narinig ko ang pagtunog ng phone niya at sinagot niya naman yun, bahagya akong humakbang paatras para di niya ako mapansin.

"What?!" Inis niyang tanong sa kausap niya sa phone. "What? He's talking to Dean right now? Okay I'm on my way" Binaba niya ang tawag na yun at mabilis niyang dinampot ang bag niya at mabilis siyang naglakad palabas ng shop.

Hindi niya man lang tinapos ang laro niya?

Naglakad ako patungo sa computer na ginamit ng babaeng yun at pinagpatuloy ko ang match niya sa larong League Of Legends.

"Kill-steal ka pa huh" Inis kong sabi at tinapos ko ang laro ng babaeng yun.

Victory! Sisiw.

Natapos ang laro at tiningnan ko ang username ng babaeng yun.

"Hapi?" Bakit hapi? Hapi ba pangalan niya?

"Tol bakit nandyan ka?" Nagulat nalang ako nang magsalita si Ian. Ang lakas ng boses niya kaya imposibleng hindi ko marinig yun.

I out her account.

Mataas na ang Division niya kaya may magtatangkang i-hack ang account niya kapag naiwang nakabukas to.

Tumayo na ako at umupo na ako sa computer na katabi ni Ian.

"Bakit nandun ka? Pumasok ka na sa laro bilisan mo" Sabi niya at nag log-in na ako sa Rules Of Survival Account ko.

"Miss who used this computer?" Napatingin ako dahil sa boses na narinig ko, nakita ko yung babae kanina na naghahabol ng hininga habang kausap yung bantay sa shop.

I guess tumakbo siya pabalik dito when she realize na iniwan niya nalang bigla yung laro niya habang naka- ingame.

"Si Maika Navarro ba yun?" Narinig kong tanong ni Ian.

"Do you know her?" Tanong ko kay Ian at hindi ko inalis ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa harap ng bantay ng shop.

"Yes. Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya? Anak siya ng senador at kilalang-kilala siya sa campus dahil nanalo siya sa Miss Chitton University last last year" Paliwanag ni Ian.

Bakit hindi ko alam ang mga bagay na yun? Mukhang hindi ako pumapasok sa University noong mga panahon ng laban niya.

Puro basketball ba ako that time kaya hindi ako aware sa Maika Navarro na sinasabi ni Ian ngayon? 

"Hindi na ako nagtaka na siya ang nanalo last last year, kakaiba pala talaga yung ganda niya." Pagpapatuloy na sabi ni Ian at nanatili akong nakatingin kay Maika.

"Ngayon mo lang ba siya nakita? Bakit parang mangha ka sa kanya?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Nakikita ko na siya before pero hindi ganito kalapit. Palagi kasi siyang nasa dorm, sabi kasi ng mga nagiging kaklase niya na focus lang daw talaga siya sa pag-aaral, never siyang sumama sa mga gimik, never din siyang umattend sa mga event na hindi connected sa acads niya. Pero teka--bakit kaya siya nandito sa computer shop?" Tanong ni Ian at hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi ko naman alam ang sagot.

Tiningnan ko si Ian at binalik ko din agad ang tingin sa babaeng yun matapos magsalita ni Ian.

Pawis na pawis siya at mukhang nag-aalala siya dahil naiwan niya ang account niya, kahit halos maligo na siya sa pawis ay lumalabas pa din ang ganda niya, totoo ang sinabi ni Ian, kakaiba nga ang ganda niya, she's stunning because of her beauty.

"Someone used that computer. I forgot to log out my account when J left earlier" Reklamo niya sa bantay.

Tinapunan naman ako ng tingin ng babaeng bantay, siguro ay napansin niyang ako ang umupo sa computer nang umalis ang babaeng iyon.

Sinenyasan ko siya na wag sabihin na ako ang gumamit ng computer at pasimple siyang tumango.

"Wala naman akong napansin na umupo sa computer na ginamit mo Miss, lagyan ko nalang ng time para ma-check mo kung naka-in pa ba yung account mo"" Sagot ng bantay nitong shop.

Pasimple akong ngumiti habang pinagmamasdan ko siyang patuloy pa rin sa pagrereklamo sa bantay ng shop.

"All right, thank you." Naglakad palapit sa computer na gamit niya kanina.

Tinapunan ko ng tingin ang babaeng bantay sa shop at nginitian ko siya, binalik ko na ang atensyon ko sa larong nilalaro ko nang tapikin ako ni Ian.

Maika Navarro? Her name sounds good.

Pasimple akong ngumiti habang naglalaro ako. Bakit ngayon ko lang nakita ang babaeng yun? Mukhang may dahilan na ako para hindi tamaring pumasok araw-araw.

MASK-OFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon