CHAPTER 25 : LEAVING WITHOUT A TRACE

2.1K 47 2
                                    

Veronica's Point Of View-

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko, ito ang araw ng laban ko para sa International Taekwando Championship, bansang korea ang makakalaban ko at sa bansang pilipinas ito gaganapin dahil kasali din ang pilipinas sa patimpalak na ito.

Umupo ako sa upuan na malapit sa locker ko, suot-suot ko na ang uniporme ko at nagsimula na ang laban ng ibang mga bansa at buong mundo ang nanunuod ng championship na ito ngayon.

Tumayo ako at sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng stretching. Isang malaking kompetisyon ito at hindi biro ang naglalaban-laban kaya hindi maiwasang hindi ako kainin ng kaba.

"Veron?" Tumigil ako sa ginagawa ko nang tawagin ako ni Kuya. "Kinakabahan ka ba?" Naglakad siya papalapit sakin at kinuha niya ang kamay ko at saka niya ito inunat.

"Sa tingin mo ba mananalo ako?"

"Oo naman, mananalo ka. Wag kang magduda sa sarili mo"

"Paano kung matalo ako? Noong huling sumali ang training camp natin sa ganitong patimpalak naiuwi ni Maika ang medalya, paano kung hindi ko maiuwi ang medalya gaya ng ginawa niya noon?" Hindi ko maiwasang hindi kabahan.

Hindi sumali ang training camp namin sa mga International Championship, hanggang National lamang ang sinasalihan nito. 3 years ago noong huling sumali ang camp namin at nanalo sa laban na yun si Maika. Paano kung matalo ako ngayon? Ngayon lang ulit sumali ang camp namin kaya natatakot akong matalo.

"Hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo kay Maika. May kanya-kanyang katangian ang bawat tao, si Maika malakas siya, ikaw naman madiskarte ka. Wag kang kabahan okay? Ipakita mo sa makakalaban mo na hindi ka natatakot sa kanya. Okay ba yun?" Pagpapakalma sakin ni Kuya at tumango ako. "Wag mong kakalimutan ang tinuro ko sayo, basahin mo ng miigi ang galaw ng paa niya para alam mo kung kailan siya susugod, kuha mo?" Muli akong tumango.

Sabay kaming naglakad ni Kuya patungo sa upuan ng camp namin. Umupo ako sa unang row at wala ng tigil ang pag-cheer ng mga tao para samin.

Inabutan ako ni Kuya ng tubig at ininom ko ito.

Lumaban na ang iba kong ka-grupo at dalawa na ang talo, nanalo ang isa kong ka-grupo kaya kahit papaano ay nagkaroon kami ng pag-asa na may chance pang manalo ang camp namin.

"Dalawa na ang talo, kailangan mong manalo para manalo ang camp natin Veron" Pagpapa-alala sakin ni Kuya at hindi ko inalis ang tingin ko sa makakalaban ko na nasa kabilang row ng upuan.

Kitang-kita ko ang napakasamang tingin niya sakin, napansin ko rin ang pag-ngisi niya na para bang mahina ako at hindi ko siya matatalo.

"Siya si Jang Ji Won, nanalo na siya sa International Championship last last year , ibigay mo lahat ng lakas mo dahil hindi biro ang lakas niya" Narinig kong sabi ni Kuya at hindi ko inalis ang tingin ko sa babaeng iyon.

Halatang iniinis niya ako dahil sa mga tingin niya, ramdam na ramdam kong iniinsulto niya ako dahil sa mga tingin na tinatapon niya sakin kasabay ng mga ngiti niya.

Tinawag na ang pangalan ko at pangalan ng makakalaban ko. Naglakad ako patungo sa gitna at nilagay ko ang proteksyon sa ulo ko. Walang tigil na palakpakan at hiyawan ang bumalot sa lugar na ito nang magkaharap kami ni Jang Ji Won.

"Do you think you will surpass me?" Nakangising tanong sakin ng babaeng to habang inaayos niya ang gear sa ulo niya.

"Let's see" Ngumisi din ako para ipakita sa kanya na hindi ako natatakot, pero deep inside kinakabahan talaga ako.

MASK-OFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon