CHAPTER 32 : ROAD TO FINALE

4.4K 108 22
                                    

Travis Point Of View-

"Hon I like this" Nakangiting sabi sa akin ni Yiran habang pinapakita ang gown na napili niya.

Hindi ko alam kung anong naisipan niya at kulay itim ang magiging motif namin para sa kasal, she likes purple pero itim pa rin ang pinili niya.

Halos tatlong linggo na ang lumipas at pinagpatuloy ko ang buhay ko sa China sa kabila ng lahat ng nalaman ko.

Umalis ako sa puder nila Mom at iyon na ang huling naging pag-uusap namin, pinutol ko ang komunikasyon ko sa kanila at umalis ako bilang CEO ng negosyo namin. Kinabigla ng lahat ang naging desisyon ko ngunit iyon ang ang gusto kong gawin, gusto kong gawin ngayon ang mga bagay na sa tingin ko ay tama.

Tinawagan ko din ang ospital na kinaroroonan ngayon ni Maika ngunit hindi ko siya magawang kamustahin dahil confidential ang bawat lagay ng mga pasyente kaya hindi nila ako binigyan ng status ng kalagayan niya. Gusto ko ding kamustahin ang mga anak ko pero alam kong hindi rin nila ako kakausapin, they hate me that much, they resent me that much.

Tiningnan ko si Yiran at nakangiti pa din siya sakin ngayon. Ito ang kailangan kong ibigay sa kanya, hindi ko siya kayang saktan, hindi niya deserve ang masaktan, pinasok niya ang buhay ko at hindi ko hahayaan na ako ang sisira sa buhay niya.

"Try it hon" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"No need hon, I already gave my vital statistics" Nakangiti niyang tugon at hinayaan ko nalang siya sa pamimili ng damit na susuotin ko at susuotin niya. "I'll check the actual gown hon, wait me here" Nakangiti niyang pagpapaalam sakin at naglakad siya papasok sa showroom.

Naiwan akong nakaupo sa couch at napagpasyahan kong kunin ang magazine na nasa mesa.

Mababasa sa magazine na ito ang mga sikat na designer sa ibat-ibang bansa, binuksan ko ito at sinumulan kong basahin, nilipat ko ang pahina hanggang sa nakita ko ang mukha ni Maika, nakaupo siya sa kulay itim na silya at nakaupo sa lap niya si Tanya samantalang nakayakap naman sa kanya si Tanner.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa mag-iina ko, sobrang saya nila sa picture na to. Binasa ko ang mga nakasulat sa baba ng larawang ito.

(Sometimes I wish I cound rewind the old days where I can see him, touch him and hug him and I press pause--- just for a little while--- Maika)

(For me, the worst feeling isn't being lonely. It's about forgotten by someone you will never forget. That's the worst feeling for me--- Maika)

(Until now I can't let go someone cause part of me is still hoping--- Maika)

Pagbabasa ko sa nakasulat sa pahina kung saan nakalagay ang larawan niya. Nakakaramdam muli ako ng sakit, ang buong akala ko ay kinalimutan niya na ako, hindi ko alam na ako lang pala ang nakalimot saming dalawa, hindi ko alam na hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya, hanggang ngayon ay gusto niya pa ding bumalik sa panahon na kung saan ay masaya kaming dalawa.

"Hon.." Pagtawag sakin ni Yiran at dali-dali kong sinara ang magazine na ito, huminga ako ng malalim at inayos ko ang sarili ko. Umupo si Yiran sa tabi ko at saka siya kumapit sa braso ko. "Hon.. I have already chosen a gown" Nakangiti niyang sabi at binigyan ko din siya ng ngiti.

"Really?" Nakangiti kong tanong

"Yes. By the way. Have you chosen a singer for our wedding?" Tanong niya at doon lang sumagi sa isip ko na hindi ko pa pala nagagawa yun.

"I'm busy this days, I'm sorry, I forgor about that"

"It's okay.. can I choose?"

MASK-OFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon