Lennon's Point Of View-
Lakad-takbo ang ginawa ko papasok sa ospital nang makababa ako sa kotse ko. Kumalat sa ibat-ibang balita ang nangyari kay Maika, at nasa balita din na sinugod sa ospital si Maika at hindi maganda ang kalagayan niya.
Nang marinig ko ang balitang yun ay agad akong umalis sa internship ko at halos paliparin ko ang sasakyan ko para lang makarating sa ospital na to.
"Maika" Pagtawag ko sa pangalan niya nang makarating ako sa kwarto na kinaroroonan niya.
Sabay-sabay na napatingin sakin ang mga taong nasa loob ng kwartong ito ngunit hindi ko na sila binigyan ng atensyon at agad akong naglakad patungo sa kinahihigaan ni Maika.
Naisara ko ang kamao ko habang pinagmamasdan ko ang mga sugat sa katawan niya at pati na din sa mukha niya.
"Tinapos niya ba yung laban?" Tanong ko without looking at them. "Did she fight until the last round?" Muli kong tanong sa kanila.
"Y-yes" Narinig kong sagot ni Annica.
Lalong humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. I warned her, I warned her not to bother Maika pero hindi niya ako pinakinggan.
"She fight until last round?" Muli kong tanong gamit ang mahina kong boses.
Alam kong hindi niya gustong labanan si Veronica, alam kong iniiwasan niyang maglaban sila pero in the end ay nangyari pa din yung gusto ni Veronica.
Maika is living her life here without taekwando pero hindi pa rin yun pinalipas ni Veronica?
She knows that Maika can't defeat her, she knows that she will put Maika in bad condition pero ginawa niya pa din ang lahat para labanan siya ni Maika?
"I'm sorry, but I can't do what you want Maika" Mahina kong sabi sa kanya at seryoso ko siyang tiningnan.
Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at saka ako may tinawagan, nanatili akong nakatingin kay Maika at kinakain ako ng galit ngayon dahil sa kalagayan niya.
"Mister Lennon?" Bungad sakin ng taong tinatawagan ko.
"Can I speak to Marlon?"
"Okay Sir, I will pass this phone to Mister Marlon" Sagot niya sakin at ilang segundo pa ang dumaan bago naipasa ang tawag ko kay Marlon.
"Sir Lennon?" Pagtawag sakin ni Marlon na nasa kabilang linya.
Hindi ko inalis ang tingin ko kay Maika.
"Can you do me a favor?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Yes Mister Lennon, what is it?"
"Banned Veronica Chen from leaving this country" Sagot ko sa kanya at sandali siyang hindi nakasagot.
"Veronica Chen? Pero-- ang pagkakaalam ko ay hinihintay na si Veronica Chen na bumalik sa China"
"I don't care, banned her from leaving" Ma-otoridad kong sabi sa kanya at ilang segundo muli bago siya sumagot.
"Okay Mister Lennon, I will get back to you later about banning Miss Veronica Chen"
BINABASA MO ANG
MASK-OFF [COMPLETED]
Teen FictionMeet Travis Chang, Lalaking nahulog ang loob sa babaeng nakita niya sa isang computer shop. Kilala sa sikat na Unibersidad sa Travis Chang at maraming kababaihan ang humahanga sa kanya maliban kay Maika. Paano niya nga ba mapapasok ang buhay ni Maik...