CHAPTER 15 : MAIKA'S FEELINGS

2.1K 55 0
                                    

Travis Point Of View-

Isang linggo ang dumaan na naging laman ako ng library. Nag-focus ako sa pakikinig sa prof ko kapag nasa klase ako, tuwing break-time ay nasa review area ako para aralin lahat ng nakasulat sa reviewer na binigay sakin ni Maika habang kumakain, kapag nasa dorm ay mas pinipili kong magbasa at mag-review kesa maglaro kasama sila Ian at Dave.

Hindi ko ginulo si Maika sa loob ng isang linggo, hindi ko din siya tinatawagan at hindi din ako tumatawag kay Annica para kamustahin siya. Hinayaan ko ang sarili ko na pagtuunan ng pansin ang darating na final exam at sinisikap kong tuparin kung anuman ang pinag-usapan naming salawa.

Tuwing dismissal ay agad akong umuuwi sa dorm para mag-review. Sa loob ng isang linggo ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag-review ng mag-review at hindi ako tumitigil hanggat hindi ako napapagod.

Bawat letrang nababasa ko sa reviewer ko ay tinatatak ko sa isip ko.

Sa tuwing nagku-krus ang landas namin ni Maika ay nagpapanggap akong hindi ko siya kilala at ganun din ang ginagawa niya. Sa tingin naiisip ko siya ay wala akong ibang ginawa kundi ang tingnan ang larawan niya sa phone ko.

Sinara ko ang reviewer na binabasa ko ngayon at humiga na ako sa kama ko, sinilip ko ang orasan at 10:15pm na. Tinapunan ko ng tingin si Ian at Dave ay napaka-himbing na ng tulog nila.

Sa isang araw na ang final exam, may isang araw pa ako para mag-aral, kailangan kong gawin ang lahat para pumasa, kailangan kong ipakita kay Maika na kaya kong ipasa ang exam na to.

Maika's Point Of View-

"

For take-out po Ma'am?"
Tanong sakin ng crew sa milk tea house na binilhan ko.

"Yes" Seryoso kong sagot at mabilis naman nilang inasikaso ang order ko.

Lumabas na ako sa milk tea house nang makuha ko ang order ko. Tinawagan ko si Annica at agad niya namang sinagot.

"May ipapasabay ka pa ba? Pauwi na ako" Sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.

"Wala na. Bilisan mong umuwi dahil maya-maya ay ila-lock na yung gate"

"Okay, pabalik na ako sa dorm" Binaba ko na ang tawag at binalik ko sa bulsa ng hoodie ang phone ko.

It's been one week, isang linggo ng pinapatunayan at pinapanindigan ni Travis ang napag-usapan naming dalawa.

Sa tuwing nakikita ko siya ay nasa library siya, kahit nakikita niya ako ay hindi niya ako nilalapitan. Kapag nagkikita kami sa iisang area at tinuturing niya akong hindi niya kilala.

Madalas ko din siyang nakikita sa library pero hindi ko na siya nilalapitan dahil kitang-kita ko kung gaano nagsisikap si Travis para sa exam na paparating.

Sa ginagawa niya ngayon, he makes my heart move, nakikita kong hindi lang siya sa extracurricular magaling, I think he can do more.

Bumalik ang diwa ko nang iabot sakin ang milk tea na inorder ko, kinuha ko ito at naglakad na ako palabas ng tea shop.

"Maika.."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig kong pagtawag sakin. Tiningnan ko naman kung sino ang tumawag sakin, it was Veronica. Bumaba siya sa kotse at bumaba rin mula sa kotse na iyon si Vrix.

"Veronica.." Pagtawag ni Vrix sa kapatid niya, kitang-kita ko sa mga mata ni Vrix na kinakabahan siya sa pwedeng gawin ni Veronica sakin ngayon.

"Why kuya? I just want to talk to her" Inis na sabi ni Veronica kay Vrix.

MASK-OFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon