CHAPTER 1 : DO I NEED TO KNOW HIM?

5K 92 0
                                    

Maika's Point Of View-

"Your daughter is doing well in her academics, it cannot be denied that she is your daughter Mister Navarro" Nakangiting papuri kay Dad ng Dean ng University na pinapasukan ko.

My dad pay visit to this University to check on me, hanggang dito ba naman sa University ay hindi niya ako hinahayaang mapag-isa? Tsk!

"That's good to hear Mister Atchico" Tugon naman ni Dad kay Dean kasabay ng mga ngiti niya.

Nanatili akong nakaupo habang nakikinig sa pag-uusap nila. 

"I need to go. Don't hesitate to call me when you need anything Mister Atchico" Pagpapaalam ni Dad at sakaniya ako tiningnan. "Maika..I'm proud of you. I need to go sweetie, I'll call you later" Pagpapaalam niya sakin at nanatili ako sa seryoso kong mukha. Sweetie?

How a sweet Dad.

"Okay Mister Navarro, thank you for visiting" Nakangiting sagot ni Dean at naglakad na si Dad palabas sa office ni Dean.

Hindi nga maitatanggi na anak ako ni Dad? That's so funny.

"Do you have anything else to say Dean? Kung wala na, I need to go back to my class" Sabi ko kay Dean at tiningnan niya ako.

"Wala na Miss Navarro. You can go back to your class" Nakangiti niyang sagot.

Tumayo na ako at naglakad na ako palabas ng Dean's office. 

Nakarating ako sa room at umupo ako sa tabi ni Anicca na busing-busy sa paglalaro ng kung ano sa cellphone niya.

Si Annica lang ang nakakasama ko lagi sa University na to, siya din ang kasama ko sa dorm at mula first year college ay magkasama na kami sa lahat ng subject, I treat her as my friend, my one and only friend right now in this University.

"Your dad leave already?" Tanong niya habang naka-focus ang atensyon niya sa nilalaro niya.

"Yes" Maikli kong sagot.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa nangyari kanina sa computer shop. Paano naging 'Victory' yung battle sa League Of Legends na nilalaro ko? Sino ang naglaro noong naiwan kong naka in-game yung nilalaro ko kanina, hindi ako pwedeng magkamali.

"Do you want to come with me?" Tanong ni Annica nang matapos ang nilalaro niya. Tiningnan ko siya at nakatingin din pala siya sakin.

"Where?" Walang gana kong tanong.

"May basketball rematch later. Let's watch?" Napansin kong tumaas ang energy ni Annica nang banggitin niya yung basketball rematch.

"Rematch?" Pagtataka ko.

"You're so outdated, hindi mo ba alam na natalo yung course natin last week sa basketball league? Kaya ayon naghamon sila ng rematch sa nakalaban nilang department last week, so let's watch?" Bakit ko ba sasayangin ang oras ko sa ganyang bagay? Bakit ba ang daming babae na nagsasayang sa basketball na yan kesa mag-aral? Tsk!  

"Travis will play also, sobrang tagal niya ng hindi naglaro sa department battle, I missed watching him playing basketball" Binitiwan niya ang phone niya at hinarap niya ako. "Makakalaban ng course natin yung course nila Travis, that's why we need to watch" Excited niyang sabi at sobrang lapad ng ngiti niya.

Sinarado ko ang librong binabasa ko at hinarap ko si Annica. Wala talaga akong idea sa pangalan na binabanggit niya ngayon.

"Sino ang susuportahan mo? Department natin o department ng Travis na sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya gamit ang seryoso kong boses.

MASK-OFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon