May 09, 2018
Dear jonaxx,
Hello, Ate Jonah! How are you? Are you happy right now? How's your day? Did something good happen? I hope you are doing well.
I am Mylea Sands, not my real name but you can call me Mylea (mi-le-ya). I wrote this letter for you. (Sana mabasa mo hehe)
I want to say THANK YOU. Thank you sa pagsusulat ng napakaraming istorya na bumihag sa puso ng milyong tao (kasama na ako). Ikaw yung tipo na nagsusulat ng romance at drama na hindi lang basta love at sakit. Hindi mababaw or OA. Kundi yung tipong tatagos talaga sa buto yung sakit kapag nakakasakit yung eksena. Yung tipong tatagos talaga sa buto yung kilig kapag dumidiskarte na yung bidang lalaki.
Sa lahat ng kwento mo, hindi pwedeng walang linya at aral na tatatak. Sa lahat ng kwento mo, hindi pwedeng hindi kami maiinlove sa male lead (esp. Elijah and Rozen ❤). Sa lahat ng kwento mo, hindi pwedeng hindi kami bibilib sa katatagan ng female lead. (esp. Erin and Leil 💛) Sa lahat ng kwento mo, hindi pwedeng basta basta na lang malilimutan.
Kaya maraming salamat ate Jonah sa pagbabahagi sa amin ng mga kwentong sinusulat mo. Dahil sa'yo, nagkaroon kami ng sariling mundo na kung saan kahit may sakit, sa huli ay naging maligaya kami. Salamat sa lahat kilig na naramdaman namin kahit wala kaming lovelife. Dahil sa mga stories mo, naiwasan ang pagiging bitter ko na wala akong lovelife 😂 Sapat na kasi sa akin ang male leads mo. Hahaha! Pero seryoso, salamat dahil nababasa namin ng libre ang mga gawa mo.
At gusto ko ring sabihing SORRY. Sorry kung may mga nambabash sa'yo dahil sa mga insensitive readers. Sorry kung may ilang nagagalit sa'yo kahit wala ka namang ginagawang o sinasabing masama. Sorry kung nadadamay ka sa ilang gulo dito sa wattpad or social media. Pasensiya na kung naiistress ka man sa mga ganito o sa mga readers na atat sa update na umaabot pa sa puntong nakakabastos na sila. Sorry doon. Sorry talaga. :(
Sana kahit nakaka-stress na minsan, huwag ka tumigil sa pagbabahagi ng mga kwento. Sana tuloy-tuloy lang ang pagsulat. Sana tuloy ka lang sa pag-inspire sa amin. Marami kang napapasaya. Isa ako doon. At maraming nagmamahal sa'yo. Isa rin ako doon.
I love you Ms. Jonah! I wish you all the best. And you deserve so much love and support. You are a great person with a huge talent and a loving heart. Sana ma-meet kita one day 😙
Love,
Mylea Sands
(Baby ni Elijah at Babe ni Rozen)P.S. Stay beautiful inside and out! Take care ~
![](https://img.wattpad.com/cover/139918456-288-k581961.jpg)