Chapter III.

126 10 0
                                    



CHAPTER 3

"Befriend him." Sabi ni Rea.

Loading...

Loading...

Loading...

"Aray, Auddie. Bat moko binatukan?" Pagrereklamo pa ng bestfriend ko habang nakakunot ang noo nito. Aba't talaga bang clueless siya?

"Engot ka ba? The way you've said it seems like it was the easiest thing to do in the planet." Pagkontra ko.

"Aba. Bakit? Hindi ba? There's nothing wrong with the two of you being friends first before leading your future relationship into something more serious. " Seryosong sabi ni Rea.

"I never said anything about it being wrong pero baliw ka na para isipin na hindi ko na siya sinubukang kaibiganin noon." Oo, inaamin ko, nung nasa 8th grade kami sinubukan ko naman siyang i-befriend after that Math incident pero parang hangin lang yung kinakausap ko. Sumasagot naman siya minsan pero patango tango lang o "ahh" "oo" "hindi" "sige" at "okay" lang parati. Siya na talaga ang conversation killer! Pero hello, okay lang. Di naman ako entitled sa response niya. Ayun lang, medyo nakakalungkot pero nasanay na rin siguro ako.

"Auddie, iba naman yung noon tsaka ngayon. Malay mo kausapin kana. Nagsmile nga sayo kanina diba?"

Grabe! Pinaalala niya pa. Ayon, kilig na kilig nanaman tuloy ako with matching tirik pa ng mata plus nahampas ko siya. Sorry medyo brutal talaga kasi ako pag kinikilig.

"Uyy. Wag mo nga ako paasahin." Sabi ko habang kinikilig pa rin. Hehehe.

"Di kita pinapaasa. Shunga to. Binibigyan kita ng advice diba?"

Okay. Ako lang pala yung umasa.

"Edi sige sige. G ako dyan sa advice mo. Eh anong plano? Details? What, When, Where, Why, Who, How?" Pangungulit ko pa sakanya.

Napakamot naman si Rea ng ulo.

*kriiiiiiiiiiiinggggggg*

Ay malas. Tumunog na yung bell. Sign na tapos na recess at kailangan na naming bumalik sa classroom namin. Napasimangot naman ako.

"Mamaya na natin yun pag usapan. Magiisip ako pero magisip ka rin. Tsaka sabihan na rin natin si Bryce about sa plano natin. Baka makatulong yun. Lalaki eh." Sabi niya.

Si Bryce ay ang bestfriend naming lalaki. Di namin siya classmate tsaka di namin siya kasabay kumain pag recess kasi syempre kasama niya rin yung sarili niyang circle of friends. Pero kapag lunch, minsan nagsasabay sabay kami.

Napatango nalang ako tsaka inayos na namin yung pinagkainan namin. Syempre, we practice CLAYGO kaya. (Clean as you go)

Habang naglalakad kami pabalik ng classroom ay di ko maiwasang mapatanaw sa bintana ng classroom nina Anton. Nang makita ko yung kinaroroonan niya, di ko maiwasang mapangiti. Grabe! Iba na talaga tama ko dito sa lalaking to.

Nang makabalik kami sa classroom ay nagsimula na akong magisip ng iba't ibang paraan kung paano ko siya kakaibiganin at inilista ko ang mga naisip ko sa papel. Hehe. Baka kasi makalimutan ko.

How do you mess with the geek?

1. Befriend him

(Possible options:)

- join the same club he is in

- participate in any activity that he is in

Messing with the GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon