Chapter VI.

95 10 2
                                    


CHAPTER 6

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon na ang araw ng Quiz Bee namin. Syempre ay kinakabahan ako pero medyo confident naman na akong mkakasagot ako kasi talagang nag-aral at pinaghandaan naming tatlo ang competition na ito.

"Good Luck, Auddie!!! Alam kong kayang kaya mo yan!!! Wooooo!" Sigaw ng bestfriend kong si Rea.

Siniko ko naman siya at binulungan, "Hoy, oa ka di pa naman nagsisimula. Maya ka na magsigaw pag tinawag na kami maupo sa stage."

"Hehe. Sorry na-excite lang." Natatawang sabi niya.

Maya maya pa'y tinawag na nga kami at talaga nga namang nangingibabaw ang sigaw ng bruha kong kaibigan. Nagulat pako't may ginawa pala itong banner para sakin. Haha. Pabida talaga yun eh. Pero mahal ko.

"Hey, panget. Namemental block ka na ba dyan kaya mukhang natatae na yung mukha mo?" pang-aasar ni Bryce na nasa kaliwa ko.

"Che. Sumbong kita kay Manang para di ka na gawan ng sandwiches." Childish kong sagot.

Tumawa naman ito na umiling sabay kinurot yung pisngi ko. Aba tong baliw na to.

Napansin kong tahimik si Anton sa kanan ko at magkasalubong ang kilay niya. Mukhang wala siya sa mood. Kinakabahan kaya siya?

"Uy, okay ka lang?" Tanong ko sakanya.

Tiningnan lang ako nito at tipid na tumango. Ano nanaman kaya ang problema nito. May kinalaman ba to dun sa prize na sinasabi niya? Eh magkakampi naman sila ni Bryce dito sa Quiz Bee bakit competitive siya?

Sumulyap ako ulit sakanya at nginitian siya. "Uy, goodluck! We can do this!"

Narinig kong nagbuntong hininga ito at tiningnan ako, "Good luck din sayo, Reed." Sabay ngumiti siya. 

Naramdaman kong namula ako sa simpleng pangungusap na sinabi niya kaya naman ako'y talagang na-inspire.

***

Hindi pa nagtagal ay natapos na ang quiz bee at syempre, KAMI AY 2ND PLACE LANG! Sad reax only pero okay nayun kesa kulelat. Magagaling talaga kasi itong mga kalaban namin pero alam kong medyo nawala sa mood si Anton. 2 points lang kasi ang lamang nila samin.

Tiningnan ako nito at bigla siyang nagsalita, "Sorry."

Kumunot ang noo ko at napatanong, "Para saan?"

He shrugged and continued, "I should've done my best para sana worth it yung lahat ng pagod mo – nating tatlo. I could've got you that trophy."

Medyo di agad naprocess ng utak ko yung mga sinabi niya but nonetheless, kinilig pa rin ako.

"Uy ano ka ba. Eh ikaw nga yung halos may alam ng majority ng mga tinanong kanina eh. Ang galing mo kaya. Tsaka happy nako dun sa nakuha natin. At least, 2nd place." Nakangiting sagot ko.

"But still, if only I've known the answer to the last question during the 2nd round, we could've won. You could be jumping with joy."

Alam kong down pa rin siya kaya tumalon talon ako, "Woooo! Ang galing natin!!!! Congrats satin!!!! Wooooo!!" I shouted.

I saw Anton's lips twitched as if he's trying to suppress a smile. Hindi nagtagal ay natawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko. OMYGHASHBJSBS MAMA!!!! KINIKILIG AKO!!!!!!!

"Hoy, kumuha lang ako ng tubig para ka nang kiniliti dyan. Umayos ka nga. " Epal na singit ni Bryce. Nagmomoment kami dito ni Anton tapos sisingit singit siya. Pasalamat siya bestfriend ko rin siya kung hindi ay matagal ko na siyang sinipa dyan kaka-epal niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Messing with the GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon