Napagplanuhan namin nila Taeyong at Doyoung ngayon na after ng practice namin pupunta kami kila Jungwoo para don na magpahinga. Inaya ko kanina si Rhaize kaso may pupuntahan daw siyang importante kaya hindi siya makakasama samin.
"Oh ano? Tara na." Aya samin ni Jungwoo para dun na lang din daw kumain ng lunch.
"Okay naman na 'tong court. Tara." aya ko rin sa kanila. Sumakay na lang kami at para madali na lang din kami makarating sa bahay nila Jungwoo.
•••
LAVEIGN'S
"Umupo ka nadiyan sa sofa. Pahiga-higa pa tanghali na." sigaw sakin ni Kuya Jungwoo.
"Eh bakit ba? Gusto ko pang humiga."
"Bahala ka diyan." dumiretso siya sa kusina pagkasabi niya.
"Hello! Good Morning po." bigla akong napaupo nung narinig ko ang boses nila at pumasok isa-isa. Sila Kuya Doyoung, Kuya Taeyong at Kuya Jaehyuuuuuuun.
"Gusto pa lang humiga ah." sabi sakin ni kuya.
"Tss. Ginagawa niyo dito? -.-" bakit di nag-sabi ang mga 'to sa gc ha? MAY GC PO TAYO SANA ININFORM NIYO KO
"Binibisita ka ;)" -Kuya Doyoung
"Tigil-tigilan mo kong kuneho ka." Lakas talaga mantrip neto.
"Kuya Jaehyun, nasaan pala si Rhaize?" tanong ko sa kanya ng hindi ako tumingin kasi hello nahihiya pa ako sa chinat ko non sa kanya.
"Ah may pinuntahang importante. Bakit? Ayaw mo bang ako lang nandito na wala siya?" pucha hoy anong pinagsasabi mo?!?!?!
Pinuntahan ko si Kuya Jungwoo sa kusina para umiwas sa tanong niya at narinig ko namang tumawa sila Kuya Taeyong at Kuya Doyoung tss.
"Kuya Jungwoo! Tignan mo nagpalit ng icon yung crush ko ngayon sa twitter hihi"
"Anong crush? Kailan ka pa nagkacrush? Aba Laveign ha!" Hindi ko na naipakita sa kanya yung picture na 'yon hmp.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko dahil nainis ako sa kanya. Ngayon ko na nga sasabihin sa kanya na may gusto ako kay Kuya Jaehyun eh. Grrr. Pero grabe ang pogi talaga niya sa bagong icon niya :">
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Yung okay na yung bagong icon mo pero syempre di mawawalan ng sobrang supportive na fwends na magrereply pa sa picture.