CHAPTER 8 - NARRATION

198 9 0
                                    


Bago pa matapos sila Kuya magtraining binigay ko na agad kay Rhaize yung pagkain na ipapabigay ko kay Kuya Jaehyun. As always binibigyan ko na talaga siya ng pagkain.

"Kuya oh." Nakita kong inabot na ni Rhaize yung pagkain kay Kuya Jaehyun kaya tumingin ako sa reaction niya.

"Sa kanya ulit?" tanong niya kay Rhaize at agad naman itong tumango. Shet huhu kakainin na niyaaaaaa.

"Pakisabi thank you ulit at alam kong masarap na naman 'to" tumingin sakin yung bespren ko at ako naman napangiti kasi oh my gad naaappreciate niya luto kooooooo

"Yung admirer ni Hyung nagbigay na naman ng pagkain." Pang-aasar ni Lucas sa kanya. Uy ang gwapo rin ng ulupong na 'to pero Kuya Jaehyun pa rin huehue

"Sino ba kasi yung nagbibigay, Rhaize? At ng makilala namin." Nanlaki yung mga mata ko. Bastos Kuya Taeyong wag mo ng kilalanin pa jusko.

"Secret ko na 'yon :P" buti na lang napakasupportive sakin ng bespren ko. 

Pagkatapos nilang kumain lahat ay nagsipaghinga muna sila dahil sobrang pagod nga sila sa pagtraining. Si Kuya Jaehyun nga pala ang captain ball nila kaya di hamak na mas magaling talaga siya kaysa sa ibang player kagaya na lang ng kuya ko.

"Veign,Kuya una na ako may pupuntahan muna ako saglit hihi babye." tumango na lang ako. Bakit di 'to nagsabi sakin na may pupuntahan pa pala siya ha? kebastos na babae.

"Sige mag-ingat ka. Umuwi ka agad," natouch naman ako sa sinabi niya. Sana ganyan din si Kuya Jungwoo sakin huhu

"Nga pala Laveign wala namang tao sa bahay kaya sumama ka muna samin ni Jaehyun hyung sa mall kasi may pupuntahan din naman ang iba kaya tatlo lang tayo." hala kasama si Kuya Jaehyun? Sige ba! basta siya :>

"Ano namang gagawin natin don?" tanong ko sa kanya. May bibilhin bang importante si Kuya Jaehyun? Sana importante din ako sa kanya.

"Magpapalamig haha." sagot ni Kuya Jaehyun. Magpapalamig lang? Dun na lang tayo sa kwarto ko, may aircon naman don :> Puta harot Laveign.

Kaming tatlo ang huling lumabas ng court since si kuya Jaehyun ang captain kailangan niyang imonitor muna kung okay na ba lahat bago kami umalis. Dumiretso kami sa parking lot, teka may kotse si kuya Jaehyun??? I mean sariling kotse talaga? Okay siya na.

"Hoy babaita, wag kang tumunganga diyan pinagbuksan ka na ni Jaehyun hyung ng pinto." PUTA?????? NAKAKAHIYA HOY LETCHE TULALA PA MORE LAVEIGN KIM GAGO

"Okay lang Hahahaha. Sige na sakay na." kasalanan mo 'to kuya kung bakit di mo ko sinabihan na nakatulala na pala ako ako asdfghjkl


---

MUTUAL • JAEHYUNWhere stories live. Discover now