Napag-usapan namin ni Rhaize kagabi na manood ng training nila Kuya Jungwoo ngayon since boring din naman sa bahay dahil bakasyon. Ngayon ko lang napagtanto na medyo magaling din pala 'tong kuya kong magbasketball kahit na babakla-bakla. Kasi sa bahay hindi siya ganyan, sa lahat kasi ng bagay nagkakasundo kami kaya may once na tinanong ko na siya kung bakla ba siya, hindi naman daw :/
"Bakit nandito kayo?" tanong ni Kuya sakin at sinamaan ko siya ng tingin.
"Masama bang manood ng training niyo?" tinaasan ko siya ng kilay. Hari ka dito? hari ka?
"Oo kasi bawal animal dito."
"Kung bawal pala, bakit kamember niyo siya?" sabay turo kay Kuya Doyoung. Nakitang kong napatawa ng malakas si Kuya Jaehyun. Napatawa ko siya? shet. Di nga.
"Inaano ba kita Laveign? Tsaka ikaw Jaehyun di porket gwapo ka tatawanan mo na ako ah. Mas maganda pa rin boses ko kaysa sayo." sabi sakin ni Kuya Doyoung nilalakihan ako ng mata ngayon.
"Anong connect non hyung? Hahahaha." Mas lalo siyang tumawa at napalakas na talaga iyon. Ang gwapo niya lalo kapag tumatawa.
Bumalik na sila kuya sa pagt-training. Nakakaattract lalo si Kuya Jaehyun kapag seryoso. Sinong babae kaya ang hindi maiinlove sa kanya? Tas sobrang bait pa, complete package na pala 'to eh.
"Hoy Laveign, baka matunaw kuya ko" bulong sakin ni Rhaize. Hala kanina pa ba ako nakatitig? Nahahalata na ba ako?
"Halata na ba ako Rhaize?" kunwaring paiyak effect na tanong ko.
"Oo pero dahil focus sila sa pagt-training hindi naman" Ay jusko lord maraming salamat po kinabahan ako don.
---