Chapter 1
written by : GullibleHeartNaalimpungatan ako sa liwanag na tumatama sa mata ko. Umaga na pala, simula na naman ng pasok. Di ko maisip na sa dinami-rami ng mga taon na lumipas , nalulungkot pa rin ako sa nangyari noon sa pamilya namin. Halos araw-araw binabangungot ako ng nakaraan.
Simula ng mawala ang tatay ko ay nagkagulo gulo na ang pamilya namin. Limang taon na simula nung mawala saamin si tatay, 'di rin namin alam kung kanino siya sumama sa mga babae niya, wala na kaming balita. At wala na akong gana pang malaman.Tatlong taon naman na nang mawala ang nanay namin. Dalawang taon palang ng mawala si tatay ay sumunod na agad si nanay. Iniwan niya din kami .Masyadong nasaktan si nanay ng mawala si tatay kaya araw-araw siyang nag-iinom. 'Di rin naman namin na siya mapigilan marahil baka kami'y pagbuhatan pa ng kamay. Hanggang sa nakahanap siya ng bagong lalaki at nagsama sila.
Iniwan nila kaming apat na magkakapatid. Silang tatlo ay may kanya-kanya ng trabaho. Ako ang bunso kaya ako na lang ang nagaaral saaming apat. Gustuhin ko mang magtrabaho pero ayaw nilang pumayag. Masyado pa daw akong bata para magbanat ng buto.
"Stella?, gising ka na ba?, kakain na. Nagluto na yung ate mong tibo" narinig kong tawag ni kuya Stephen sakin agad naman akong napatayo sa higaan ng sumigaw si ate Stephanie-- ang ate kong tibo.
"ANONG ATE?! PUT*K KA STEPHEN LALAKI AKO! GAG*!" here we go. Lagi lagi silang nagaaway dalawa. Lalaki daw kase si ate/ kuya Stephanie , kaya ayaw na ayaw niyang natatawag siyang ate.
"Oh? bakit?, babae ka parin naman ah? tignan mo may boobs ka tsaka may perlas ka parin kahit na anong gawin mo!" saad ulit ni kuya Stephen kahit na nasa balkonahe ito ay umaalingawngaw ang pagsisigawan ng dalawa. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Kuya Stewart.
"Oh gising na pala ang bakla natin!hehehe!" sabi ni ate Stephanie. Di papatalo yan, kapag inasar siya ni Kuya Stephen kailangan di lang siya ang maaapi.
"Anong problema niyo mga beshie?, aga aga nasisira ang beauty rest ko! mga kalerkey kayo! di ko kayo ma-take!" sigaw nadin ni Kuya/Ate Stewart. Bumaba na ako para kumain bahala sila diyan. Basta ako kakain na ako para mayamaya eh papasok na ako.
Natapos na akong kumain at agad na akong naligo para pumasok na. Pagkatapos kong magbihis naabutan ko si Ate Stephanie na naglilinis ng sala habang si Kuya Stewart naman ay inaayos ang kusina at naghuhugas ng pinggan. Habang si Kuya Steph naman ay nagaayos ng gait niya at handa ng pumasok sa trabaho niya.
"Tara na Stella , sabay na kita" Sabi ni Kuya Steph di na ako tumangi. Libreng pamasahe din noh!
Habang nasa biyahe kami ay nagchat ako kay Jhoela. Siya ang lagi kong kasabay umuwi kapag kagaling sa school. Siya din ang lagi kong kasama kapag magcha-chapek kami. Malapit lang kase ang simbahan sa school namin. Walking distance lang kaya madali lang kaming nakakapunta.
Siya din ang lagi kong kasama sa bawat gala ko. Kahit na kasama ko ang mga kaklase ko ay kailangan kasama ko siya. Di kami magkaklase ni Jhoela dahil mas maaga akong nagaral kesa sakanya. Isang taon ang agwat namin sa baitang pero sa edad magka edad si Jhoela tsaka si Kuya Stewart
Kapag break time lagi kaming magkasama , kahit sa pagpunta lang ng restroom kailangan magkasama kami, natatawa na nga lang ang mga teachers saamin dahil lagi kaming magkasama .
Stella Buenavista
Nasa school ka na?
seen 6:40 AM
Jhoela Natividad
Oo punta ka na.
seen 6:41 AM
Stella Buenavista
Osige sige
seen 6:43 AM
Bumaba na agad ako ng kotse ni Kuya Stephen. Pero bago ko maisara ang pinto binilinan ako ni Kuya Stephen.
"Books bef--" agad ko siyang pinutol sa pagsasalita dahil alam ko na ang sasabihin niya kaya inunahan ko na siya."Books Before Boys, Because Boys Bring Babies, Opo alam ko na yan Kuya everyday mo na pong pinapaalala sakin yan, tandang tanda ko na po o" saad ko, naging masyadong protective si Kuya dahil sa nangyari sa magulang namin.
Di nakapagtapos ng pagaaral si Nanay dahil nabuntis agad siya ni Tatay. Isang taon na lang at graduate na si Nanay pero agad ng nabuo si Kuya Steph kaya wala ng nagawa si Nanay kaya huminto siya sa pagaaral niya dahil hindi niya kayang tuksuhin siya ng mga kaklase niya noong college siya.
"Baka lang kasi nakakalimutan mo, mahirap na baka magaya ka pa sa mga magulang natin. Alam mo namang ikaw ang prinsesa sa bahay diba? kaya lagi ka dapat inaalagaan " saad ni Kuya.
"Kuya matanda na ako, I'm already 17 yrs.old, NBSB until now. kayang kaya ko na ang sarili ko" sabi ko .
"Hayst tumatanda ka na nga talaga, di ka na namin mapipigilan kung may manliligaw sayo. Osiya sige na baka malate ka pa, at papasok na agad ako sa trabaho ko." sabi ni Kuya. Ng masara ko na ang pinto ay binaba ni Kuya ulit ang bintana ng sasakyan niya.
" 'Wag mag papalipas ng gutom, 'wag magbubulakbol, 'wag kang mantitrip binabalaan na kita Stella" saad ni Kuya bago niya isara ang bintana ng sasakyan.
Agad naman na akong umakyat sa third floor dahil nandun ang classroom namin. Bawat bata ay nakangiti at masayang bumabati saakin. Halos lahat ng bata tinatawag ako at niyayakap. Para tuloy akong may fans club sa school na 'to. Halos araw araw ganito ang nangyayari kapag maaga akong pumapasok.
Nagpaalam na ako sa mga batang mga nakayap saakin tila lahat sila ay nalungkot dahil di kami nakapaglaro ng paborito nilang tagu-taguan. Kapag sobrang aga ko kase ay naglalaro muna kami habang wala pa ang mga kaklase at kaibigan ko , pampawala lang ng bagot.
Nginitian ko na lang sila at umakyat na ako sa third floor pero nasa second floor pa lang ako ay nakita ko na si Ms. Floresca na may dalang mga libro, agad ko namang tinanong si Mam kung pwede ko ba siyang tulungan , agad namang tumango si Mam atsaka ko kinuha ang mga libro at nilagay sa faculty niya.
Pagkatapos kong ihatid si Ms.Floresca sa library ay dumiretso na ako sa room namin. Nilapag ko muna ang mga gamit ko , sakto wala pa ang iba kong kaklase kaya pumunta muna ako sa kabilang room dahil nandun si Jhoela.
Inopen ko muna ang messenger ko at chinat siya.
Stella Buenavista
Labas ka na beks
seen 6:53 AM
Jhoela Natividad
Oo wait lang eto na
seen 6:53 AM
Agad namang bumukas ang pinto na nasa harapan ko. Lumabas na si Jhoela at chinika ako. Halos araw araw may baong kwento ito. Di mauubos ang isang buong school year ng wala siyang baon na kwento.
Habang nakikinig naman ako sakanya ay binuksan ko ang cellphone ko, nakalimutan ko pala itong patayin ang mobile data, baka malowbattery na naman ako. Pero bago ko mapatay ag mobile data ay may nag pop-up na message. Di ko sila kilala.
Nicko Santos? hmm.Nicko Santos
Hi!
seen 7:02 AM
Di ko alam kung rereply-an ko ba ito o hindi. di ko naman siya kilala para reply-an. Sa halip na reply-an ko siya ay sineen ko na lang ito.
Lalaki na naman , baka masaktan na naman ako tulad ng nangyare noon saakin. Ayoko ng maulit 'to kaya pinatay ko na agad ang mobile data ko at sinabi ko kay Jhoela na mauuna na akong pumasok sa classroom dahil Alas-siyete na.
Ayoko ng masaktan dahil na naman sa isang lalaki. Ayoko na
BINABASA MO ANG
My Online Heartbreaker
Teen FictionAkala mo mahal ka na niya, yun pala mahalaga ka lang para sakanya. Sa dinami rami pa ng tao na gugustuhin mo , yung taong di mo pa kilala ng lubos ang pagkatao. Akala ko ba ako lang? Akala ko ba mahal mo ko? Akala ko ba di mo kayang makatulog ng ga...