Prologue

10 0 0
                                    






Malamig ang simoy ng hangin. Tila para akong nasa ibang bansa sa sobrang lamig na yumayakap sa balat ko. Anim na buwan na pala. Anim na buwan na ang nakakalipas pero tila sariwa parin sakin ang alaala mo. Di ko maitatanggi na hindi parin ako nakaka move-on sayo. Sino ba namang tao ang mabilis makalimot diba?.

Yung taong nagbigay sayo ng halaga, Yung taong nagpu-push sa mga panahong down na down ka, Yung taong kaya kang tiisin, Yung taong kahit ilang oras mo paghintayin di siya magagalit sayo.

Di ko parin pala kayang iwanan ang mga bakas ng alaala mong ibinigay sakin. Masyado kitang minahal kaya siguro walang natira sakin.Masyado kitang binigyan ng oras at atensyon pero anong napala ko?.  Dahil sa mga sobra kong binigay sayo, pati sarili ko napabayaan ko na.

Kelan ba kita makakalimutan?.

My Online HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon