Chapter 2

9 0 0
                                    










Chapter 2
written by: GullibleHeart



'Anak, wag kang magmamahal kagaya ng tatay mo ha? masyadong babaero, lahat sila sasaktan ka lang. Lahat ng lalaki paglalaruan ka lang, di ka nila seseryosohin. Kukunin lang nila ang perlas ng silanganan mo at iiwan ka na. Mabilis silang magsawa. Tandaan mo 'yan' pangaral ni Nanay sakin. Dahil kagabi umuwi nanaman si Tatay ng may Lip mark sa kwelyo niya galing pasada.

'Opo Nay, tatandaan ko po 'yan. Lahat ng lalaki lolokohin lang po ako. 'Wag po akong magtitiwala sa kanila kase di sila seryoso.' saad ko kay Nanay, alam ko na nasasaktan si Nanay pero kailangan niyang pilitin para buo ang pamilya namin. Di na pinatulan ni Nanay si Tatay dahil wala din namang magbabago.

Naalala ko pa noon na si Tatay ay may dalang babae, pero tila nagbingi bingihan si Nanay para saamin. Pinagsilbihan niya pa ito at tinuring na bisita.

Alam namin na nagmumukha ng tanga si Nanay dahil sa inaasta niya. Pero wala siyang pakielam , di bali ng maguwi ang Tatay basta di niya kami iiwan ni Nanay.

Palaging sinasabi ni Nanay na 'Bisita lang ng Tatay niyo 'yon. Alam kong hinding hindi ako ipagpapalit ng Tatay niyo. Alam ko na ako ang mahal na mahal ng Tatay niyo' at ngumiti ng pilit si Nanay.

Masyado na ang ginagawa ni Tatay saamin. Hindi na nakakayanan pa ni Nanay. Pero para saamin, ginagawa niya lahat para lang di sila maghiwalay ni Tatay.

Nagsimula na ang klase. Masyadong malamig ang kwarto namin. December na kase kaya sobrang lamig. Di ko namalayan ang oras at nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Agad ko namang natanaw na lumalapit sakin ang mga kaibigan ko.

Agad naman na kaming pumunta sa canteen para kumain ng recess. Kakaunti lang ang tao, di kasi masyadong sikat 'tong school namin kaya wala masyadong nagaaral dito. Halos lahat naman dito mababait ang mga estudyante, yun nga lang di rin mawawala ang mga tarantado.

Nang matapos na kaming kumain ay umakyat na agad kami sa classroom, mahirap na baka ma-late pa kami. Nang pagpasok namin kasunod na pala namin ang susunod naming teacher kaya umupo na agad kami sa kanya-kanya naming upuan.

Masaya silang nakikinig at sumasagot sa tanong teacher namin dahil tungkol sa pamilya ang usapan. Pero kung tatanungin niyo ako? Hindi. Hindi ako masaya na pagusapan ang pamilya. Para saakin ay isa silang mga demonyo. Kung paano nila kami kadaling iniwan, ganon din nawala ang respeto ko sakanila.

Oo, aaminin ko masyado akong bastos dahil di ko tinuturing na magulang sila Nanay at Tatay. Pero sumagi ba sa isip nila na may anak silang maiiwan kapag naghiwalay sila? iniisip pa ba nila kaming mga  anak nila habang humahanap ng makakapag pasaya sakanila?.

Nagulat ako ng biglang tinawag ako ng teacher namin.

"Kung papipiliin ka sa magulang mo, kanino at bakit?" tanong ng teacher namin.

"Wala" simple kong sagot. Kanino ko gusto sumama? wala sakanila.

"Bakit wala?" tanong ulit ng teacher namin na halatang naguguluhan dahil hindi niya alam ang kwento ko.

Waka akong pinagsasabihan ng kwento ko maliban lang sa mga kaibigan ko sila Ashary , Paul ,Jhoela at Halsey. Silang apat lang ang nakakaalam ng buong storya ko, alam kong safe ang sikreto ko sakanila kaya sakanila ko lang sinsabi ang problema ko.

Lagi naman silang nandiyan para makinig sa problema ko, lagi naman nila akong pinapatahan kapag umiiyak ako. One time nga nung nag away si Nanay at Tatay ay pinalayas nila kami. Wala sa sariling umalis kami ng umiiyak dahil sa nangyayari, ang sinabi ni Nanay saamin na dun na lang kami sa tiyahin namin sa kabilang kanto lang naman.

"Wala sa kanila dahil di naman nila kami tinuring na anak " sagot ko ng maalala ko na tinatanong pala ako ng teacher namin kanina.

"Well, maybe you have a family problem sorry. So next " di ko na pinakinggan pa ang sinabi ng teacher namin dahil sa nawalan ako ng gana at dahil sa naungkat nanaman ang nakaraan na lagi kong kinakalimutan.

Araw araw kong naalala ang mga panahon na gusto ko ng kalimutan.Para saan pa?, hindi ba't iniwan nanila kami? kung babalik man sila, wala na akong pakielam.

Natapos ang klase, di ko manlang namalayan na uwian na pala. Masyado ko nanamang iniisip ang nakaran napilit kong kinakalimutan. Agad ko namang hinanap si Jhoela , kanina pa ko naghahanap sakanya pero ni anino niya di ko mahagilap. Asan na ba yon?.

Binuksan ko ang cellphone ko at minessage ko siya na nasan siya. Pero naka offline siya kaya di niya din mababasa, wala naman akong pantawag, wala din akong pang text. Bahala na hahanapin ko na lang.

Nang papatayin ko na ang phone ko biglang nagvibrate ito. Akala ko si Jhoela na ,pero laking gulat ko ng nakita ko kung sino ang nagmessage. Siya nanaman. This time kita ko na yung profile niya nung last time kase di ko siya makita sa profile niya dahil sobrang layo ng mukha niya.

Nicko Santos

Hi!

seen 3:24 PM

Ano bang kailangan neto? masyado naman ata akong nag aaccept ng di ko kilala tsk.

Napasinghap naman ako ng bigla ulit siyang nagchat.

Nicko Santos

hala seen?

seen 3:24 PM

Ano bang kailan neto at bat ang kulit? masyado na to ah.

Nakita ko sa di kalayuan si Jhoela at halatang pawisan. San nanaman kaya ito nagsususuot?.

"San ka naman nanggaling ha?, kanina pa kita hinahanap di kita makita susmiyo." sabi ko sakanya habang hinahabol niya pa yung hininga niya marahil may tinatakbuhan itong babae na 'to.

"Ah kase nanggaling ako sa convenient store para bumili lang ng ice cream ,e kaso nung paalis na ko may baklang tumatakbo papunta saakin, e maliit kang espasyo ng convenient store diba? kaya ayon natapunan siya nung ice cream, tapos hinahabol niya ako sabi niya 'LINISIN MO TO O ANG KATAWAN MO ANG LILINISAN KO NG DUGO?!' sa sobrang pagmamadali ko tumakbo ako pabalik dito sa school" kwento niya with actions pa. Grabe din 'tong si Jhoela kala ko walang kinakatakutan 'to, meron din naman pala. Bakla nga lang hakhak.

"Kala ko ba wala kang kinakatakutan? ikaw na si Jhoela Natividad? matatakot sa bading? haler" sabi ko sakanya. Saglit palang kaming magkakilala this school year lang.

Napag alaman ko kasing malapit lang ang bahay nila saamin dito sa subdivision na tinitirhan namin kaya kinaibigan ko siya. Matagal na kaming mag ka schoolmate almost 2 years nadin pero ngayon lang kami naging magka close. Bale mas matanda siya saakin ng limang taon, pero mas matanda ako sa Grade.

Sabay naman na kaming nagpunta para sa terminal ng jeep. Wala kasi kaming service kaya commute lang .

Pagkababa namin ng subdivision nagpaalam na agad si Jhoela dahil sa kanang kanto siya nakatira at kami naman sa  kaliwang kanto kaya agad naman na kaming nagpaalam sa isa't isa.

Nagulat ako ng biglang nagsisisigaw si Kuya Stewart, bat kaya?.

"Look at this girl o! There's a girl in the convenient store and she make tapon tapon the ice cream to me! Omaygad!! " sabi ng bakla kong kapatid.

Pero teka? diba si Jhoela nakatapon din ng ice cream sa bakla?.Bahala na nga baka coincidence lang.

Agad naman na akong umakyat sa kwarto para magpalit at mahiga muna dahil di pa nakakaluto si Ate Stephanie dahil kakagaling niya lang sa trabaho.

Agad ko namang binuksan ang laptop ko at buksan ang facebook ko. Bumungad sakin ang mukha ni papi James Reid ng mareac-an ko na 'to ng heart ay may nagpop-up nanamang message. And again siya nanaman.

Wala ba 'tong mapagtripan sa buhay kaya ako ang kinukulit?

Nagulat naman ako dahil sobrang dami niyang chat puro "Hi!" , " Seen? " , "pwede makipagfriends?" .

Agad ko siyang nireplyan ng "Hello" wala naman sigurong masama makipagkaibigan diba?. Hmmmmmm.

My Online HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon