Chapter 4
written by : GullibleHeart"Look who's here. Isang babaeng pinagpalit sa lalaking habol lang ay grades. How many times that we've told you that he is just want your brain , not your heart." sabi saakin ni Halsey Benedicto, kaklase ko siya since Grade 1. Siya ang third honor namin.
"Yeah girl, we've told you that he's a jerk, do you think that we're just backstabbing him to broke his reputation in this school? hay" sabi din ni Ashary Bautista, siya din kaklase ko since Grade 1 pero di talaga kami magkaka close, kase di ako friendly.
Wala akong kinakausap na kaklase namin, pwera na lang kapag may mga projects, groupings etc..
"Look what you're doing, you're cryin' like is it the end of the world. There are too many guys in this world, okay?" sabi naman ni Paul Ian Mendoza. Siya naman naging kaklase ko din ng Grade 1 kaso lumipat nung Grade 2 para sundan yung crush niya sa kabilang school, tapos bumalik din sa school namin nung Grade 3.
"Uhm, sorry. Na no-nose bleed ako hehe" pilit akong tumawa pero agad naman akong piningot ni Paul Ian sa tenga. Walangyang bisexual na 'to.
" 'Wag kang tumawa kung alam mong di ka masaya.Para kang timang psh" sabi niya. Napa roll eyes pa ang gaga.
" 'Wag mong tratuhing ganyan yang si Stella!" sabay batok naman ni Halsey kay Paul Ian, kawawa naman 'to HAHAHAHA.
" Oo nga! bubunutan kita ng kilay e" sabi naman ni Ashary kay Paul
Ian. Pinagtutulungan nila 'to Hahahaha!." GRABE NAMAN KAYO WALA NA NGANG KILAY AASARIN NIYO PA! GRRR." sabi ni Paul sakanilang dalawa.
"So back to the topic , sama ka samin? tutal wala ka namang kaibigan dito sa school, tsaka ilang taon na din tayong magkaka-klase o!" aya naman sakin
"Ahh, sige pwede ba?" tanong ko sakanila, baka mamaya pinagtitripan lang pala nila ako o diba?.
"Kaya ka nga inaaya eh psh" sabi naman ni Ashary.
Simula nung araw na 'yon lagi na kaming magkakasama, dahil lang pala kay Khael makakakilala ako ng mga kaibigan.
"Oy ano ng gagawin niyo? lalo ka na Stella puro ka cellphone susmiyo naman amin na 'yan at magsisimula na tayong magresearch!" sabi ni Halsey sabay kuha ng cellphone ko, bastos ampotek.
Dahil sa halfday lang kami dahil para makapag review para sa exam bukas, nandito kami ngayon sa library para makapag review ng matiwasay at walang ingay.
"May load ka diba?, asan ba yung ano dito, ay eto pala, wait ano bang ireresearch ko, ay ano nga pala" sabi niya habang nagtatyoe sa cellphone ko, saaming magkakaibigan kase siya ang pala aral, bookworm ika nga nila.
"Oy pano bang gagawin dito pre?" tanong naman ni Paul saamin, mukhang kanina pa 'to naiirita sa Araling Panlipunan, sa sobrang tahimik dito sa library tanging boses lang naming apat ang umaalingawngaw sa loob nito.
Wala naman kasing mga estudyante sa school namin ang nagaaral sa library, so kami na lang dahil mas tahimik dito tsaka malamig pa. Kapag kasi sa mga classrooms kapag naabutan kami ng teacher na madumi ang classroom ipapalinis saamin, kaya mas prefer kaming dito magaral sa library.
"Ano ba 'to di ko magets ang math susmiyo naman" sabi ni Ashary, saaming apat siya ang pinaka nahihirapan sa math, well ako din naman minsan pero di naman madalas.
BINABASA MO ANG
My Online Heartbreaker
Teen FictionAkala mo mahal ka na niya, yun pala mahalaga ka lang para sakanya. Sa dinami rami pa ng tao na gugustuhin mo , yung taong di mo pa kilala ng lubos ang pagkatao. Akala ko ba ako lang? Akala ko ba mahal mo ko? Akala ko ba di mo kayang makatulog ng ga...