"Of course, hindi ko yata kayang hindi ka makikita" sabi nito at muli ay nagyakapan sila."Oh daddy! I missed you so much"
"Totoo?" Tanong nito ng maghiwalay na sila, tumango tango siya na parang bata.
"Really" sambit niya at itinaas pa ang kanang kamay na parang nangangako sa harap ng ama na totoo ang sinasabi niya.
"Hindi mo manlang kami sinalubong ng mommy mo" may himig ng pagtatampo ang tono ng boses nito.
"Si mommy? Where is she?" Naeexcite siyang nagpalinga linga sa paligid.
She misses her mother, magkausap lamang sila nito noong isang araw, then now naandito na ang mga ito.
"She's inside the house, kausap ng Lola mo" imporma nito.
Dali dali siyang lumabas at bumaba ng tree house, too excited to see her mother. Nakalimutan na niya tuloy ang ama na tumatawag sa kanya at pinag iingat siya sa pagmamadali niya.
"Be careful, Mary!"
She loves her father so much na kahit laging nang aasar ito ay hindi nawala ang pagiging maalalahanin nito.
"I'm fine, dad!" Natatawa niyang sagot sa ama habang nagmamadaling makita ang ina.
Once inside, she looked for her mother and her smile widen as she found her in the kitchen. Renna Cuevas is all smile as she catch up with her own mother, Miranda Sanders, her ever beautiful and younger looking grandmother.
She ran towards them.
"Mom!" Tawag niya sa ina.
Maaliwalas ang mukha ng kanyang ina, bakas sa mukha nito ang kasiyahan na makita siya ng magtama ang mga mata nila.
"My baby" mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kanya, gayun din siya sa ina.
"I miss you, mom" tuwang tuwa niyang sambit ng maghiwalay sila nito.
"Mukha nga, anak" natatawang hinalikan nito ang noo niya at tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa "you look prettier than the last time I saw you" puri nito sa kanya.
Ngumisi siya sa ina.
"Of course, kanino pa ba ako magmamana, kundi sayo" pakikisakay niya sa ina.
Natawa muli ang kanyang ina at muli siyang niyakap nito ng mahigpit.
"I miss you so much, anak, kaya naman here we are ng daddy mo"
Na-appreciate niya ang effort ng mga magulang na bisitahin siya ng mga ito. Malayo pa ang pinanggalingan ng mga ito kaya talagang thankful siya. They were just here couple months ago pero sobrang miss pa rin niya ang mga ito.
Nakipag bonding siya sa parents niya kasama ng grandparents niya. She was enjoying her time with them so much she forgot her date with Poy. Kung hindi pa tumawag ang best friend niyang si Jaime sa bahay mismo ng mga Sanders.
She excuse herself sa harap ng pamilya niya, humingi na din siya ng dispensa sa abala by kaibigan niya.
"Hey" masayang bungad niya sa kaibigan.
"Where the hell are you, Mary!?" Nailayo tuloy niya ang phone sa tenga dahil sa lakas ng boses nito, muntik pa siyang mabingi.
"Jaime ang ingay mo! You almost break my eardrum" iritableng sagot niya dito.
"Well, may I remind you, my dear friend, that you have a date tonight" doon na nanlaki ang kanyang mga mata.
"Oh god!" She have forgotten about it.