Lingid sa kaalaman ng lahat na rinig ng pitong taong gulang na si Nadin ang paguusap ng mga nakatatanda. Nakasilip ang bata sa pinto ng malaking office ng kanyang ina.
Kita niya mula roon ang isang batang lalaki na nakaupo sa sofa ng office ng kaniyang ina ngunit nakatalikod ito sa kaniya kaya naman hindi niya makilala ang mukha nito. Gayun din naman ang katabi nito na halatang isang matandang lalaki na may edad na dahil sa nagpuputiang hibla ng buhok nito. Katapat naman ng dalawa sa pagupo ang ina ni Nadine at ang assistant/secretary nito.
Hindi man maintindihan ni Nadine ang mga sinasabi ng mga ito,ngunit nagpatuloy lang siya sa pakikiusyoso,hinihintay niyang matapos ang mga ito sa pag-uusap upang makalaro ang batang lalaki. Wala pa siyang nakakalarong bata na gaya niya,tanging ang mga yaya at tagasilbi nila ang nakakalaro niya sa tuwina.Kaya naman,ayaw niyang palagpasin ang pagkakataon habang may bata pa sa bahay nila bukod sa sarili.
"After her 18th birthday,pwede na ho silang magkasal" ina ni Nadine.
"Ay nako ija,Ha-ha-ha hindi ba't dapat ay magkilala na muna sila para naman magkapalagayan ng loob ang dalawa?" maligalig na wika ng matanda.
"Ay,oo nga ho. Maybe they can meet each other after Nadine's 18th birthday,then magpapakasal ho sila on her 20s." magalang na tugon ng ina ni Ruth.
Samantala ang batang si Nadine ay hindi maiwasang mabored dahil wala talaga siyang maintindihan kundi ang pangalan niya. Isa pa, dalawang dipa ang layo ng mga ito sa kinaroroonan niya kaya naman medyo hindi niya marinig ang ibang usapan.
Pahikab hikab itong pumunta sa garden nila at naghabol na lamang ng mga paru-paro.
Doon niya unang narinig ang tungkol sa kasal kaya naman hindi nabura sa isip ng bata ang salitang "Fiancé"
Sa kabilang banda.. "Lolo,who's Nadine? Is she my fiancé that you're talking about right now?" tanong naman ng batang lalaki habang kumakain ng donut na nakakapagdungis naman sa kaniyang matatabang pisngi, tila iniintindi ng batang lalaki ang lahat ng mga naging pag-uusap ng mga nakatatanda.
"Ha-ha-ha,oo apo. Huwag kang mag-alala at makikilala mo rin iyon." tatawa tawang tugon ng matandang lalaki.
Tumango tango lang ang batang lalaki at nagpatuloy sa pagkain.
BINABASA MO ANG
I Am Your Father
FanfictionSi Nadine Alexis Lustre ay isang dalaga na ipinagkasundo ng mga magulang ipakasal sa lalaking higit ang kayamanan kumpara sa kanila. Alam niya na iyon noon pa,at hindi naman siya tutol sa nais ng mga magulang dahil bukod sa siya'y masunuring anak, s...