2

26 3 10
                                    

N A D I N E ' s

Seryoso akong tumingin sa kaniya. "Are you serious?" May bahid na pagkainis na tanong ko.

"Yes I am?" aniya na parang kinukwestiyon pa ang hindi ko paniniwala sa kaniya.

"Okay." pagsuko ko. "Give me reasonable reasons to believe you." mahinahong sabi ko.

"First, I really am your Father," inis nanaman akong tumingin sa kaniya ibubuka ko pa sana ang bibig ko para magsalita pero itinaas niya ang kamay niya para pahintuin ako sa balak kong sabihin.

"second, this is our DNA test" Aniya sabay abot ng brown envelope. Kinuha ko naman iyon at kinuha ang papel sa loob niyon.

99.8% Positive

Di ko pa tuluyang nababasa ang mga nasa loob niyon pero muli nanaman siyang nagsalita sabay tapat ng kaniyang mukha isang dangkal ang layo mula sa akin.

"And 3rd,me and your mom did it so you're here." pabulong na sabi niya sabay tingin sa kabuuan ko. Lumayo naman siya agad at tumayo ng ayos.

"What? Sa bata mong 'yan papatulan ka ni mom?" Agad na tanong ko. Paniguradong hindi malayo ang edad niya sa akin dahil angbata niyang tignan. He doesn't even look like a man having his own family.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Ganun ba talaga kaganda ang genes ko kaya kahit 38 years old na ako ay napagkakamalan parin akong binata?" kunyare pa siyang humahawak sa baba at napapaisip.

'WHATT!?? 38 years old na siya!?'

Pilit kong tinago ang pagkamangha ko pero parang nagfail ata ako kase tinawanan niya pa ako dahil sahitsura ko right now.

"Stop laughing. Dudukutin ko ngala ngala mo" banta ko na nakapagpatugil naman sa kaniyang 'Not-so-sexy-laugh'

"Anyways,your mom already know na dito ako titira sa Mansion niyo. Like it or not,you and I will live here. And from now on you should show respect to your Father" ma-authoridad na sabi niya sa akin.

'No,this is not happening right?'

"M-mom said patay ka na? I mean, mom said patay na ang dad ko." nalilitong sabi ko. Okay,medyo napapaniwala niya na ako. Hindi lang dahil sa DNA test kundi dahil rin sa sinabi niya na he and mom did it.

"Oh," kasunod niyon ang malutong niyang tawa. "so she told you that? Well,para sa mom mo patay na ako. But look,I'm alive and kicking." nagtaka pa ako sa huli niyang sinabi.

'Huh? Abnoy ba tong lalaking--dad ko? Eh nakatayo lang naman siya ni hindi nga siya umaalis sa kinakatayuan niya'

"Kicking your ass, you almost got me. I still need enough proofs para paniwalaang you're my dad. And when the time comes,susundin ko lahat ng gusto mo,uutusan mo ako? Susundin ko. Well,masunurin akong anak" mahabang sabi ko. I really still need other proofs,paano kung pineke niya lang ang DNA na yun diba?

"Proof it is then. Siguro you're still in shock dahil nabigla kita. I came here without you knowing,hindi kita masisisi." aniya atsaka ngumisi.

'Ang title ba nito ay , "My Father is Manyakis?" ??'

Saglit ko siyang tinignan at saka umalis na roon. Nagugutom ako. Di pa kaya ako nakakapag almusal _(:з」∠)_

Agad akong dumiretso sa kusina para tignan kung may naiwang pangalmusal roon si mamagurl.

At hindi ako nabigo,hindi ko inaasahan na marami silang lulutuin ngayon.

"Wow.. Mukhang masasarap at bago ang dishes ngayon ah." manghang bulong ko sa sarili.

"Your welcome, My li'l girl.I cooked that earlier,2 hours before I came to your room. Actually 6 Am nandito na ako sa mansion niyo." rinig kong sabi na nagmumula sa isang pamilyar na boses. "Ang sabi ng maids niyo ay may inaaral kang piyesa ng piano," dagdag niya pa,inis akong iniwan siya doon habang dumadada at dumiretso na sa table. Gutom ako ano ba.

"naiinip akong maghintay kaya naisipan kong magluto for my only li'l girl. Akala ko nga nung kumatok ako sa studio mo eh tapos ka na,hindi pa pala" rinig ko pa ring daldala niya.

Mabilis na sumubo ako ng pagkain.

'Ansarap.. Siya talaga nagluto nito? Pang chef ang datingan ah.'

Maya-maya'y nakasimangot siyang umupo sa katapat ng inuupuan ko. "hm," panimula ko saka nilunok muna ang pagkain sa bunganga. "tapos mo na kausapin yung hangin?" pangaasar ko sa kaniya. Muli akong sumubo pero nananatili ang paningin sa kaniya.

"Masarap?" nakangising tanong niya.

Umiling naman ako, "Medyo okay na.. Mas masarap parin luto ng cook dito sa mansiyon." pagtanggi ko. Actually mas masarap luto niya. Baka lumaki ulo nitong nagpapanggap na tatay ko eh.

Napansin ko sa peripheral bisyon na sinenyasan niyang lumapit ang isa sa mga ate gurl ko.

"Bakit po sir?" agad na tanong ni ate gurl nang makalapit.

"Your cook," panimula na sabi ni gurang. "fire him" agad akong nag-angat ng tingon sa kaniya.

"WHAT!? No! Ate gurl wag niyong sundin ang mga sinasabi nitong gurang na'to." agad na tutol ko sabay turo kay kunyaring dad gamit ang steak knife.

"Wh-whatt? Hah! Wh-what did you say? G-gurang? Hah!" napapahiyang singhal niya sa akin. Samantala si ate gurl ay gulong gulo lang na nagpapasalit salit ng tingin sa aming dalawa.

"Oo! Gurang ka! Gurang! So don't fire our cook. Siya nga lang ang pinakamatinong naging cook namin tas papalayasin mo!?" inis na pabalik na singhal ko sa kaniya.

Hindi makapaniwalang tumingin lang siya sa kawalan habang pilit na iniintindi ang sinabi ko. Napapikit pa siya ng mariin.

'Ang OA naman nito'

"What.. did you say again?" pilit na pagtitimpi niya. Kita ko naman ang mariing pagsaksak niya sa kaawa-awang beef steak.

"Gu--" inilahad niya ang palad niya sa harap ko na tila pinapatigil ako.

"Stop." siya.

'Abnormal amputek'

"My decision is final. FIRE. THE. COOK. OF. THIS. MANSION." mariing utos niya kay ate gurl. Taranta at agad namang yumuko si ate gurl.

"Okay ser." matapos ay umalis na si ate gurl sa kaninang kinatatayuan niya.

'What the hell? Who'll cook for us now?'

Agad akong napangisi.. Hindi kaya.. May gusto sa akin ang lalaking 'to at nagpapanggap siya na dad ko,when the truth is he really is applying as our cook to get close to me?

"Wag kang magimagine dyan,remember I'm your father" aniya na tila napansin ang pagngisi ko.

Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya 'I just can't accept the fact na dad ko siya..'

I Am Your Father Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon