N A D I N E ' s
Isang linggo ang lumipas at talaga ngang dito na titira ang 'dad?' ko!
1 week rin akong kinawawa ng lalaking 'yun. Alam mo yung story na Cinderella? Ganun! Tinrato niya ako na parang si Cinderella at siya ang kumadrona ko. And guess what happened to our cook? It's me now,I'm the cook of this house because of that crazy bastard. Pinaalis niya lang pala ang cook namin para ako ang paglutuin. At isa pa ha,puro siya utos dito,utos doon eh hindi niya pa nga napapatunaya-- okay actually,medyo medyo na dahil sa loob ng isang linggo na 'yon ay napansin ko na medyo may pagkakaparehas kami ng kulay ng mata,or am I just imagining it? Dahil siya ay may Hazelnut colored eyes at ang akin rin naman ay ganun.Anyways,nandito ako sa kuwarto ko,kakagising ko lang at inuutusan agad ako ng "DAD" ko ng mga kung ano-ano. Pulutin ko raw yung papel roon,yung papel rito.
"Ano ba 'yang suot suot mo Alexis?" pagpuna niya sa suot ko. Taka ko namang tinignan ang sarili ko. I'm wearing a peach silk nightgown.
'What's wrong with this?'
Litong nagkibit balikat lang ako sa kaniya habang nakalahad ang magkabilang palad "What? Anong mali sa suot ko? I just woke up and you already made me do chores."
"Kahit na. Kagabi palang dapat ay naisipan mo nang huwag suotin yan. Wala ka bang ibang pantulog o sadyang nagpapasexy ka lang sa mga driver and guards niyo dito sa Mansion?" sermon niya sa akin.
Tumalikod lang ako at saka doon nagmake face. "Blah blah blah" panggagaya ko sa tono ng pananalita niya.
"Magbihis ka na kaagad at magluluto ka pa ng pangumagahan natin." aniya saka umalis na sa kwarto ko.
Malakas akong napabuntong hininga.
"Ano ba naman yan! Tinatamad pa ako ehhh" pagmamaktol ko saka nagpagulong gulong sa kama.
Inis akong nagbihis at padabog na bumaba at nagtungo sa kusina. At dahil tinatamad ako, dalawang pritong itlog lang ang niluto ko at saka inihain iyon sa mesa. Yes,I know how to cook. As I've said before,natutunan ko na ang lahat ng dapat matutunan.
Napansin ko ang matalim na tingin ni gurang sakin. At napatalon naman ako sa gulat dahil higit pa sa inaasahan ang sobrang SAMA ng pagkakatitig niya sa akin,mukha siyang mangangain na ewan. Nanay kupo!
"B-bakit?" pilit tinatago ang nerbyos na tanong ko.
"You call this as a breakfast?" seryosong tanong niya.
"A-aba,ikaw na nga lang ang kakain nagrereklamo ka pa? This is better than last breakfasts,atleast there'll be no grace that will go wasted." pagpapaliwanag ko atsaka naupo. Eh pano ba naman kase,nung mga nakaraang breakfasts eh puro hindi niya naman tinatapos kainin. Masama kayang magsayang ng grasya.
Hindi lang siya umimik at nakita ko ang pagsisimula niyang kumain. Matapos ubusin ang sunny side up egg na niluto ko ay agad niyang ininom ang gatas,in one go!
Dahil ron ay namangha ako. "What are you lookin' at?" masungit na tanong niya at saka pinunasana ng labi at agad na umalis sa inuupuan.
Umiling lang ako at saka bumalik sa pag-kain. "Bilisan mo driyan may pupuntahan tayo." dahil sa sinabi niya ay napaangat ako ng paningin at todo todo ang ngiti.
'Saan naman kaya kami pupunta? Na e-excite ako'
••••
BAKKA: A very very very short updatr hust like my height. Lol.
BINABASA MO ANG
I Am Your Father
FanfictionSi Nadine Alexis Lustre ay isang dalaga na ipinagkasundo ng mga magulang ipakasal sa lalaking higit ang kayamanan kumpara sa kanila. Alam niya na iyon noon pa,at hindi naman siya tutol sa nais ng mga magulang dahil bukod sa siya'y masunuring anak, s...