1

31 5 2
                                    

N A D I N E ' s

Habang tumutugtog ng piyesa ng piano na kakatapos ko lang aralin ay may biglang kumatok sa pinto ng instrument studio ko kung saan kasalukuyan akong naroroon.

"Ma'am may bisita po kayo." rinig ko ang boses ng aming katulong mula sa kabilang pinto.

'Sino naman kaya 'yon?'

"I don't expect anyone toda--" Naalala ko ang fiancé ko na sinasabi ni mom saken na makikilala ko raw this month. Mom told me that after my 18th birthday. "Okay let him in."

Maya-maya'y nagsimulang bumukas ang pinto at tumayo naman ako at tinungo ang pinto para salubungin ang naroon. Isang lalaking matangkad,naka suit na blue at guwapo ang tumambad sa harap ko. Muli ko pa siyang inobserbahan mula ulo hanggang paa. Samantala,siya naman ay nakangiti lang habang nakatingin saken. Creepy, right?

"What are you smiling at?" pagtataray ko. "I don't remember seeing you and being familiar with you. May I know who you are?" Agad na tanong ko. Never ko pa talaga siyang nakilala o nakita manlang sa buong buhay ko.

"Hello Alexis. I am your father" He gave me his sweetest smile while waving his hand a little.

'Wait- what?'

"This is not the time for you to joke around Mr. Your father. Nangistorbo ka lang ba talaga dito para manloko ng tao?" pambabara ko sa joke niya. Well,I am Ms. Barabara girl kaya don't me.

Nilingon ko naman ang katulong namin na nandoon parin pala. "Ate gurl pano nakapasok 'to dito? Hindi ba't mahigpit na ipinagbabawal na magpapasok kayo ng strangers?" Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nung mr. your father kaya naman inis ko siyang nilingon.

"Ah ma'am inihabilin po kase ni Madam Lucy noon pa na papasukin ang lalaking magsasabi ng--"

"Uhm.. You can leave us now." Singit nung lalaki.

"What? No,ate gurl. Dito ka lang,mamaya ano pang gawin nitong lalaking 'to saken." Pagtutol ko sa sinabi ni Mr. Yourfather.

"Ma'am Ruth huwag po kayong mag-alala. Mabait pong tao itong si sir. Maiwan ko na po kayo." magalang na sabi niya nagbow naman siya sa aming dalawa habang ako ay hindi lang makapaniwala sa sinabi ni ate gurl.

'Mabait? Huh! Eh ako nga hindi kilala ang nilalang na'to. Sila pa kaya?'

Hindi ko namalayang naglalakad na pala paalis si ate gurl. "What? Wait! Ate gurl! Wag mo'kong iwan dito!" sigaw ko habang tinatanaw si ate gurl.

Nilingon ko si Mr.Your father nakangiti lang nanaman siya.

'Argh! Creepy.'

Mabilis na sana akong aalis doon nang bigla niya nalang akong hinila sa braso. "You're road-- I mean,You're rude.I'm not done talking to you yet." napayuko naman ako no'n na parang nawawalan na ng pag-asa. "Ganyan ka ba kabastos sa harap ng mom mo?" siya. This time I sensed his serious aura.

Nahihiyang umiling ako. Masunurin ako no. Lahat nga ng gusto ni mom na gawin ko ay ginagawa ko dahil okay lang rin naman sa akin. And I promised to myself since then that I will do anything for her.

At dahil nangangalay ako. Umupo ako sa sofa dito parin sa instrument studio ko.Habang siya naman ay pumasok na rin at nilibot ang tingin sa loob ng studio at isa isa pang inobserbahan ang mga instrument ko. Parang tangang napa "Pfft" pa siya nang makita ang flute ko.

"Alam mo,kung wala kang magagawang matino dito umalis ka nalang okay? Ano ba talagang pakay mo? Alam ko namang hindi ka talaga papapasukin dito kung stranger ka nga. But seems like mom is familiar with you. May I know who you REALLY are?" inis na sabi ko. Ngumoti lang naman siya sa akin saka naupo sa single sofa na nasa gilid ng sofa na kinauupuan ko.

"I already told you,I. AM. YOUR. FATHER."

I Am Your Father Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon