Chapter 8: Boys Meet my Kuya

2 2 0
                                    

Jenny P.O.V.

"Hoy bunso!!! Halika na ihahatid kita sa school mo!!!" sigaw ni kuya mula sa labas. "Eto na po boss!!!" lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ni kuya.

(School)

Hininto ni kuya sa tapat ng gate ng school ang kotse.

"Bye kuya."

"Bye, ingat ka. Sunduin kita mamaya."

"Ok kuya, text na lang kita."

Pumasok ako sa school. Habang nag lalakad sa hallway naka salubong ko sina Tin, Kim, Jake at Mike.

"Oh buti naman naka pasok na kayong tatlo." sabi ko. "Naawa kasi saamin yung principal. Kaya pinapasok na kami." paliwanag ni Tin. "Bakit Jen? Miss mo ko noh?" tanong ni Kim. "Hindi ini------"

"Jenny?"

Justin P.O.V.

"Jenny?"

May biglang sumulpot na lalaki na likod ni Jen. Sino toh? Author wag mong sabihin mang aagaw din toh.

[Author: Secret!!! Wag kang mag alala.]

Ok, thanks author. Lumingon sa likod si Jen.

"Kuya?" sabi ni Jen. Wait kuya? "Bat ka andito kuya?" tanong ni Jen sa lalaki. "Naiwan mo kasi tong cp mo sa kotse." sabi nung lalaki sabay abot ng cp kay Jen. Kinuha naman ito ni Jen. Sino ba to?

"Jen sino ba yang g@g*ng yan?!" maangas na tanong ni Mike. "Aba, baka ikaw ang g@g* diyan?!" galit na sabi nung lalaki.

"Guys wait lang. Boys this is Jin Keifer Corpuz, my kuya. Kuya sila sina Jake Padilya, Justin Lopez, Mike Perez at Kim Cruz, my friends." pagpapakilala ni Jen.

Nako patay!!! Kuya nya pala!!! Author naman bat di mo sinabi?!

[Author: Para surprise.]

Buti na lang wala akong sinabing mali. Pero si Mike? Patay ka bro.

"Geh bunso alis na ako. Mamaya na lang." paalam ng kuya ni Jen.
"Nice meeting you all, kuya Jin na lang bye." bago umalis si kuya Jin tumingin sya ng masama kay Mike.

Mike P.O.V.

Kainis!! Kuya nya pala yun!!! Si author kasi alang babala!!!

[Author: Aba, bat na damay ako dyan?! Tanggalan kita ng P.O.V. dyan eh!!!]

Joke lang author!!! Ikaw naman di ka mabiro. Wag ganyan author, ganda mo pa naman.

[Author: Hoy di porket babae ako, maganda ako. Ang guwapo ko kaya para maging maganda. Girl outside but boyish inside ako. May nililigawan na nga ako eh.]

Uy si author lalaki na di na sya tibo. Sino yang liniligawan mo? Kuwento naman jan.

[Author: Liniligawan ko ang kagwapuhan ko. Pakipot nga eh. De joke lang. Girl pa rin ako pero medyo boyish type lang.]

Ay nakaka murit ka author. Bahala ka dyan ayan na si ma'am.

High School Life with my BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon