Jake P.O.V
Hay sawakas nakapag sorry narin ako. Ala kasi sina Kim kaya ala akong kausap. Pero salamat friends na kami ni Jenny.
Dali dali kamimg pumunta sa garden para mag kuwentuhan. Ang sayang kausap ni Jenny. Marami syang kuwento. "Jen(Jenny) punta tayo sa canteen. Gutom na ako." sabi ko. "Sige, gutom na rin ako." pagsangayon nya.
Papunta na kami sa canteen. "Bat nga pala ang sungit mo lagi?" tanong nya. "Ganoon lang talaga ang ugali ko. Normal na yun." sabi ko na lang. "Hahaha. Normal lang yun? Eh mas masahul ka pa sa torong galit na galit. Hahaha!!!" sabi nya habang tumatawa.
Ganoon ba ako? Pero na kakatawa. Jake pigilan mo ang tawa mo. "HAHAHAHAHA." ala na di ko na napigilan ang tawa ko. "Tumatawa ka pala? Ang cute mo!!!" sabi nya habang naka ngiti saakin.
Nagkatinginan kami sa mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit di ako makagalaw? Parang huminto ang pag ikot ng mundo. Parang kaming dalawa lang ang tao dito ngayon. Ano ba tong nararamdaman ko? Ang ganda ng mga brown eyes nya. Ang ganda nya.❤
"Halika na tapos na ang break time." sabi nya bigla. Pumunta na kami sa room at nagsimula na ang klase.
(Skip Time)
Uwian na kaya lumabas na ang lahat sa room. "Ah...Eh....Jen sabay na tayong umuwi." sabi ko kay Jen. Tumango lang sya. Sumakay kami sa motor ko. Hindi daw kasi dinala ni Jen ang kotye nya.
Noong pinaharurut ko na ang motor ko napayakap sa likoran ko si Jen. Namumula ako at ang bilis ng tibok ng puso ko. Alam ko na kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Nakarating na kami sa bahay ni Jen. Kaya bumaba na sya. Mayaman pala si Jen? Di kasi halata sa kilos nya. "Sige uwi na ako." sabi ko. "Sige ingat ka pauwi." sabi nya sabay ngiti. Ngumiti din ako. Pagkatapos umuwi na ako.
Pagdating ko sa bahay andoon sina Kim, Mike at Tin. "Oh kamusta na si Jen? At bat ganyan ang mukaha mo? Marunong ka pala ngumiti?" gulat na tanong ni Kim saakin. "Wala, ok lang si Jen. Sige tulog na ako." sabi ko habang nakangiti. Pumasok na ako sa kuwarto ko at natulog na ako. Sana si Jen ang laman ng panaginip ko. ZZZZZZZZZZZ.
BINABASA MO ANG
High School Life with my Boys
Novela JuvenilIsang mayaman pero simpleng babae. Ang magugustohan ng apat na guwapo at mayayamang lalaki. Isang playboy, isang music lover, isang matapang at isang makulit. Sino kaya ang forever ng babaeng ito?