~•••~
| Yooni Hide |
~•••~
Calling 09*******86
"Hello?"
"Hello? Gihope Hotline ba 'to?"
"Sorry, wrong—"
"Yes, hello thank you. Uhm, pano ba gumagana yung sistema niyo? Magrarant lang ako tapos makikinig lang kayo?"
"What system-"
"Sige. Ano kasi... May boyfriend ako. Well, ex-boyfriend na."
"Sino ka ba?"
"Ay oo nga. Di ko pa pala nasasabi. Ako si Yooni."
"Yooni? Wala naman akong kilalang Yooni."
"Duh. Nagtatrabaho ka sa isang hotline company kaya normal lang na hindi mo kilala yung mga kausap mo."
"Nagtatrabaho ako sa café anong—"
"So ayun, yung ex-boyfriend ko—"
"Wala akong pake sa ex mo!"
"Ginagamit niya lang pala ako di ko man lang nahalata."
"Oh."
"Two timer pala siya. Yung ex niya pa yung isa. Isang taon na palang ganun pero di ko nalaman. Ang tanga ko."
"Gusto kong sabihing tanga ka nga pero wag nalang."
"Ang road mo para sa taong nagtatarabaho sa hotline company. Kaya wala kayong customer eh!"
"Di ka ba customer?"
"Custo— THAT'S NOT THE POINT!"
"Pero, miss— Yooni, wrong number ka. Di ako nagtatrabaho sa hotline."
"Ano ba? Pwede bang ipagrant mo nalang ako? Sayang bayad sayo."
"Ang kulit mo. Sabing di nga ako nagtatrabaho sa hotline eh."
"Bahala ka nga! Sayang lang sa load!"
[Call ended; 00:05:12]
BINABASA MO ANG
cerulean || yoohide
Short Story"Ang road mo para sa isang hotline operator. Kaya wala kayong customer eh!" "Hindi ka ba customer?" "Custo- THAT'S NOT THE POINT!" ~~~~~ syncho | taglish| yoohide