09*******86
Yooni: HIIIIIII
Unknown: Nagtetext ka na ngayon?
Yooni: Pagbigyan mo na ako. Di ako pwede tumawag kasi nasa klase ako.
Unknown: Makinig ka nalang sa klase. Wag mo na ako kausapin. Gagawin mo pa akong rason sa pagbagsak mo eh
Yooni: Di naman ako bumabagsak. Wala namang teacher ngayon pero natutulog mga kaklase ko kaya nakakahiya kung tumawag ako.
Unknown: Ok. Kaklase mo ba yung ex mo?
Yooni: Hindi. Buti nga eh. Baka bigla akong umiyak sa klase kung ganun.
Yooni: Bakit? Concerned ka?
Unknown: Hindi. Pinapaumpisa kita dyan sa rant mo para matapos na.
Yooni: Ang road mo sakin. 😢
Yooni: Pero sige. Magrarant na ako
Yooni: Nagcheck kami ng papel sa math kanina ng ibang section. Napunta sakin yung papel niya.
Unknown: Edi makipagpalit ka ng papel
Yooni: Ayaw ng kaibigan ko. Sabi niya dapat naka-move on na daw ako ngayon.
Unknown: Di pa ba?
Yooni: Konting kembot nalang. Malapit na. Di na ako umiiyak gaya ng dati.
Unknown: Sige lang. Tuloy mo na kwento mo.
Yooni: So ayun, ayaw ng mga kaibigan ko makipagpalit ng papel. Tapos may mga absent at excused pa kaya kinailangan naming dumoble ng papel na ichecheck. HULAAN MO KUNG KANINO PANG PAPEL YUNG CHINECK KO
Unknown: Yung sa babae niya?
Yooni: Ang talino mo talaga
Yooni: Dun ko lang na-realize na hindi na ako naiiyak dahil sa kanila. Galit at inis nalang.
Unknown: Mawawala lang yan kapag napatawad mo na sila. Kung di mo naman sila patawarin okay lang. Ginago ka nila eh
Yooni: Sana nga mapatawad ko sila sa future. Pero sa ngayon di ko sila mapapatawad.
Yooni: NGA PALA, ano ba pangalan mo???
Unknown: Sasabihin ko sayo kapag nakamove on ka na
Yooni: Awww. Pero di ka naman bata diba??? Nakakahiya!!!
Unknown: Hindi. 18 na ako
Yooni: SERYOSO??? YIEEEE HI KUYA
Unknown: Mas bata ka sakin? Baka naman 12 ka lang
Unknown: Ang bata mo pa para magkaboyfriend
Yooni: Masyado ka naman sa twelve. 17 na ako
Yooni: Ay Kuya! Sama ka sa 18 roses ko pag nag-debut ako. May open slot kasi nga diba wala na akong boyfriend
Unknown: Ayoko. Di tayo close
Yooni: Charot lang naman.
Yooni: HINTAYIN MO PAG NAG-DEBUT AKO. 18 ROSES KA TALAGA
Unknown: Ayoko nga
Yooni: Sige, 18 blue bills nalang?
Unknown: Wag mong ipilit sakin yan.
Yooni: Awww. Sige ka iiyak ako
Unknown: Edi umiyak ka. Asan pake ko?
Yooni: Magagalit yung kaibigan mo! Sabi niya suportahan mo daw ako diba???
Unknown: Wala naman siya dito. Magkaiba kaming section. Iba kasi yung kinukuha niyang art
Yooni: ART SCHOOL KA DIN??? SAMEEE
Yooni: MUSIC AKO. ANO SAYO???
Unknown: Music din. Pero instruments.
Yooni: OMG KAPAG NAGKITA TAYO MAGPERFORM TAYO
Unknown: Ayoko. Di ako mahilig magperform kasama ng mga taong di ko kilala
Yooni: 😢😢😢😢😢
Unknown: Mamaya nalang ulit. Lunch na eh. Susunduin ko pa kaibigan ko sa klase niya
Yooni: Sige ☺️☺️
BINABASA MO ANG
cerulean || yoohide
Short Story"Ang road mo para sa isang hotline operator. Kaya wala kayong customer eh!" "Hindi ka ba customer?" "Custo- THAT'S NOT THE POINT!" ~~~~~ syncho | taglish| yoohide