Three

18 1 3
                                    

~•••~


|     Yooni     Hide     |

~•••~

Calling 09*******86

"Hello?"

"Ikaw na naman?"

"Di mo ako pinatapos sa rant ko kagabi eh."

"Matamlay boses mo ngayon ah. Yung ex mo na naman ba?"

"Oo eh."

"May parte sakin na gustong babaan ka pero sige, papakinggan kita. Ngayon lang ha? Isang beses lang to. Di tayo close."

"Pinuntahan niya ako kanina para daw magsorry. Ang kapal ng mukha niya. Sinama niya pa yung babae niya. Tangina, sinong gumagawa non?"

"Siya. Iwasan mo nalang siya."

"Di pwede. Pareho kaming nasa student council."

"Edi magmove on ka na."

"Ang pangit mong magbigay ng advice."

"Kasi nga di ko naman trabaho to."

"Pero binigay ng kaibigan ko yung number mo sakin. Sabi niya Gihope hotline daw."

"Baka nagkamali ka ng na-type."

"Di kaya. Baka pinagtitripan mo lang ako."

"Wag kang mag-assume. Di bagay sayo."

"Di mo naman alam kung anong bagay sakin eh."

"True. Nga pala, nagpatulong ako sa kaibigan ko tungkol dyan sa problema mo. Sabi niya umiyak ka daw."

"Ha? Umiyak?"

"Sabi niya, umiyak ka hanggang sa wala ka nang luha. Labas mo na daw lahat ng emosyon mo."

"Ah, okay. Akala ko papaiyakin mo ko."

"Sabi din ng kaibigan ko na..."

"Na?"

"Lagi daw kitang kausapin. Mas madali daw magrant sa stranger kaysa sa taong kilala mo."

"Oh diba? Boto yung kaibigan mo sa ginagawa ko!"

"Ginagawa mo?"

"Yung pagtawag sa hotline! Ay sayo pala! Pareho na yun!"

"Edi magrant ka na."

"Ayun nga. Isang linggo na kaming wala pero... Alam mo yung tipong gigising ka tapos akala mo kayo pa rin?"

"Kunwari oo."

"Ano ba! Basta ayun. Tapos marerealize mo na hindi na nga pala kayo at mapapaiyak ka nalang. Ganun ako eh. Isang linggo na. Ayoko na pero wala naman akong magawa."

"Pano kung... rebound?"

"Ayokong gumamit ng tao. Di ako katulad niya."

"Edi wag. Suggestion lang naman. May idadagdag ka pa ba?"

"Bakit? Iiwan mo na rin ba ako?"

"Oo. May pupuntahan pa ako."

"Ah. Sige, ingat ka!"

"Bye."

"Bye po!"

"Nga pala, Yooni."

"Bakit?"

"Masaya na boses mo. Nakakatuwa pakinggan."

[Call ended; 00:07:34]

cerulean || yoohideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon