Nine

13 1 0
                                    

Yooni Hide

Calling 09*******86

"Hi!!!! Good morning!!!"

"Ano ba? Madaling araw palang. Bakit ka ba gising?"

"May project kami ngayon kaya nagseset up kami sa school. Ikaw ba?"

"Nasa bahay. Natutulog dapat."

"AY GINISING PALA KITA SORRY!"

"Kung sorry ka talaga edi sana hindi mo sinigaw yun."

"At least alam mo. Nga pala, okay na ako."

"Okay? Anong okay?"

"Di na ako bitter!!!!"

"Sige, kunwari di ko alam na may kasamang iyak yan."

"Di kaya ako umiiyak!"

"Di mo kailangang magsinungaling. Naririnig ko yung paghikbi mo."

"Rinig ba? Sorry. Naiinis ako sa sarili ko eh. Akala ko okay na ako eh. Ang tanga ko. Bakit pa kasi siya yung mahal ko?"

"Iiyak mo lang yan. Okay lang umiyak. Hindi masamang masaktan. Dalawang linggo palang naman yung nakalipas diba? Wala namang nakakamove on agad agad."

"Pano si Michael? Pano niya nagawa yun kung hindi pala nakakamove on agad agad ang isang tao?"

"Well, considering the fact that he was cheating on you for one year?"

"..."

"I don't think he was actually into you at all."

"I don't like you anymore,"

"Di ko naman intensyon na gustuhin mo ko."

"I know, pero okay lang naman sana kung may konting encouragement."

"You called at 2am, ano ba sa tingin mo mapapala mo?"

"May nakita akong tweet sa twitter. Sabi niya 'Conversations at two am never fail to amaze me' kaya ni-test ko sayo."

"Sino nagtweet?"

"@ riyonturtles, bakit?"

"Sabi na nga ba— Babatuhin ko lang ng orasan."

"Uy wag. Yung tweets niya yung favorite inspirational tweets ko eh. Sayang nga lang kasi di siya bitter."

"Di lahat ng tao kagaya mo. Matutulog na ako."

"Hayss. Sige na nga."

"At least di ka na umiiyak."

"Ha? Oo nga no. Thanks."

"Good night."

"Good morning."

[Call ended; 00:07:41]

cerulean || yoohideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon