Five

12 1 1
                                    


|     Yooni     Hide     |

Calling 09*******86

"Hi!"

"Ano kailangan mo?"

"Nalaman ko nga palang wrong number talaga yung nalagay ko."

"So huling tawag mo na to diba?"

"No. Kakausapin parin kita. Kahit wrong number, okay lang. Medyo road ka pero okay lang."

"oh. Okay."

"uhm may sasabihin ako tungkol sa ex ko pero di ko alam kung pano ko sasabihin."

"Edi wag mo sabihin."

"Ano ba?"

"Edi magsalita ka na."

"Favorite niya kasi si Spongebob. Eh ang dami kong spongebob na gamit. Itapon ko kaya? Sunugin ko?"

"Bakit? Naaalala mo pa ba siya pagnakikita mo yung Spongebob?"

"Di agad agad. Ngayon ko nga lang naalala."

"Di ako sure pero sa tingin ko ibig sabihin nun na nakaka-move on ka na kahit kaunti."

"Yay!"

"At wag mong idamay si spongebob sa problema mo sa ex mo. Wala naman siyang kasalanan eh."

"Bakit? Favorite mo ba si Spongebob?"

"Hindi. Marunong lang akong mag-appreciate."

"ah. Kung di spongebob, anong pinapanood mo?"

"Barbie."

"SERYOSO?!"

"hindi. Barney."

"Uy barney fan din ako!"

"Ikaw lang."

"Akala ko ba—"

"Di ako nanonood ng mga ganun nung bata ako. Sayang sa kuryente."

"Ohmygod where's your childhood?"

"Wala. Bakit ba?"

"Pag nagkita talaga tayo, ipapanood ko sayo yung Spongebob, Barney, Dora, at Barbie."

"Di mangyayari yun."

"Wish ko yun. Mangyayari yun."

"Pagsinabi mo sa iba yung wish mo, di na siya magkakatotoo."

"Di kaya."

"Di mo ba alam yun? Di na wish granted pag sinabi mo."

"Di naman talaga wish granted pag sakin eh. Hindi ko naman hahayaang ibigay ng iba yung wish ko. Ayokong i-grant para sakin ang wish ko."

"Edi ano gusto mo?"

"Gusto ko maaccomplish ang wish ko. Gusto ko 'wish accomplished'!"

"Ikaw lang."

"Ganyan ka na naman eh. Sige na nga! Bye na!"

[Call ended; 00:05:01]

cerulean || yoohideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon