Twist Of Fate•1

5K 67 1
                                    

Jema's POV

"You sure you don't want me to come?" Chiarra asked for the nth time.

Napahinga ako ng malalim, umupo ako sa kama ko kung saan nakalagay ang travelling bag na gagamitin ko para bukas at saka siya tiningnan ng masama. Kanina pa kasi ito nangungulit na samahan ako sa Batangas pero paulit-ulit ko ring sinasabi sa kaniya na kaya ko na ang sarili ko and she doesn't need to be bother because of me. "Ang kulit mo na Chia ah!" Bakas na ang iritasyon sa boses ko. "kaya ko na nga ang sarili ko. You don't need to be bothered because of me. I'll be fine." I smiled to reassure her.

"Ate naman kasi!" She sat on her bed across me while pouting her lips. Siya na kasi ang ka-roommate ko ngayon. "I'm just worried about you, pano kung..."

Pinutol ko na siya dahil kabisado ko naman na ang sasabihin niya. "Mabaliw na naman ako at pabayaan ang sarili kong hindi kumain ng tatlong araw?"

Tumango ito at pinagdikit ang hintuturo niya habang nakanguso pa rin. Para siyang batang pinagagalitan dahil sa nabasag niya ang paboritong flower base ng mama niya. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Do you think I'm that stupid to do that again?" Tumango ito. Aba! Loko 'tong batang to ah?! "Kotongan kaya kita dyan?!" Binato ko siya ng unan pero nailagan niya yon.

"joke lang hehe, love you ate!" sabi nito at nag-flying kiss pa. Napailing na lang ako dahil sa kakulitan nitong batang to. Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Nabigla ako ng yakapin niya ko at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. I can feel her sniffing, is she crying? "hey..." tawag ko rito.

"promise me," nilingon ko ito ng maramdaman kong tumingala siya para makita ako. Her eyes are red and her nose as well palatandaan na umiyak nga talaga siya. I hugged her tight. sobrang thankful ko lang sa batang 'to. She has been there when I needed someone in my side. She listened to my rants, dramas and everything. She became the best bud that I never had.

She continued her sentiments "that you'll be fine and you'll take care of yourself out there kasi wala ko don to do it for you. Wag kang magpapalipas ng gutom. I'll smack your head kapag bumalik ka dito na payat ks, I swear. Kapag naman nabo-boring ka na dun just by 3 in 1 coffee and do what we always do. Paghiwalayin ang kape, creamier at asukal. O kaya pag di talaga effective yung una, bigay mo yung wallet mo sa isang stranger, tapos sigaw ka lang ng hold up, I'm sure you'll not get bore behind the cold bars in Batangas while talking to the other inmates there, Joke! But seriously, if you feel like the walls you built for yourself is like crumbling down, don't hesitate to call me. I'll be one call away for you. Just promise me two things ate. Promise me, when you comeback you already moved on and back at being happy again. Coz' I'm missing the old happy you, ate Jess." She said sincerely and I can't help but to smile. Dear God! What did I do to be blessed with this kind of friend? Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa sobrang saya for having Chiarra in my life at the same time ay matawa dahil sa mga kalokohang sinabi nito. I hugged her so tight yung tipong mahihirapan siya sa paghinga at the same time ay yung mararamdaman niya yung pasasalamat ko for her sticking by my side.

Pagtapos ng ilang minuto ay bumitaw na rin kami sa pagkakayakap sa isa't-isa at napagdesisyunang matulog na dahil maaga pa akong aalis bukas para makapag-paalam kina mama.

---

Mama tapped my shoulder. Nag paalam na kasi ako sa kaniya na sa Batangas ako magi-spend ng three weeks Christmas vacation ko, which means I'll be celebrating Christmas and New Year in Batangas alone. "Alright!" nakangiting saad nito. "Just call us if you need us ha? Don't forget to greet us Merry Christmas and Happy New Year when the clock there strikes at 12 midnight kung hindi itatakwil kita," she kissed me on my cheek. Tumawa ako ng mahina at bahagyang napailing dahil sa kalokohan ng nanay ko. I sometimes don't know kung ako ba talaga ang anak niya o si Chiarra dahil parehas silang puro kalokohan.

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon