****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
"Gusto ko nang ibalik sayo ang kapangyarihang ito..hindi ko kailangan ang isang bagay na magiging dahilan ng pagkawala ng tiwala ko sa aking mga mahal sa buhay"
"Ginusto mo yan. Ikaw ang humiling ng kapalarang yan Ciel, kailangan mong panindigan kahit pa kapalit ay iyong kaluluwa.."
"Ahhhhhhhhhhh... hindi ko ito kaya. Bawiin mo na aaaaaaaaaa...nababasag ang ulo ko. Tumigil na kayo, nakikiusap ako. HUwag niyo nang iparinig sa akin ang nilalaman ng utak niyo."
"Hahaha.."
"Bakit? Bakit ganito? Nais ko lamang maiwasan ang makapanakit ng kapwa kaya humiling ako..pero bakit ako? Bakit ako ang kailangang magdusa? Ahhhhhhhhhhh"
Napaupo si Arthur sa sahig habang hawak hawak ng kaniyang mga palad ang sentido. Tumulo ang kaniyang luha sa sahig kasabay ng pagpukpok ng kaniyang kamao sa matigas na semento
"Bakit? B-bakit..bakit kailangang masaktan ako kapalit ng kakayahang ito?"
"CUT!"
Napatingin si Arthur kay Milly na sumigaw ng malakas. Ang pagtulo ng kaniyang luha ay biglang natigil kasabay ng pagtalikod ng lalaking kaeksena niya kanina.
Tama. Eksena lamang ang ginagawa nila pero alam niyang na nadala siya ng husto sa mga linyang nasa kaniyang harapan. Hindi niya maintindihan pero ramdam niya ang pagdurusa ni Ciel, ang lalaking bida na nasa kuwento.
"Wow. Galing mo Arthur" ani Milly na Direktor ng Thearter Drama Club.
Ngumiti siya ng tiopid sa papuri ng Direktor. Isang linggo pa lang siya sa campus pero dahil sa performance niya kanina ay siguradong pasok na siya sa drama club. Iyon naman talaga ang rason kung bakit siya pumasok sa eskwelahang ito maliban kay Cyrus.
"Pasok ka na Arthur. May feeling ako na mas gaganda ang performance natin sa school festival this year"
"Thank you po."
Umupo siya sa gilid ng stage. Binasa ang ilang linya sa script at hindi niya maiwasang hindi humanga sa gumawa nito. Napakalalim ng ideya at ng mga twist ng kuwento na halos puwede na itong gawing mainstream movie.
Kuwento ng isang lalaking nabuhay sa sakit at pait ng katotohanan. Pait na dala ng buhay na hindi niya ginusto. Humiling ito ng kapangyarihan. Humiling na ayaw na nitong makasakit ng ibang tao kahit pa kapalit nito ang mabuhay siya sa kasinungalingan.
Pinakinggan ng isang misteryosong lalaki ang gusto ng bida at binigyan ito ng kakayahang makapagbasa ng iniisip ng mga tao. Gamit ang kapangyarihang iyon ay tinulungan ng lalaki ang mga taong marinig ang gusto nila at hindi ang katotohanan. Ngunit lahat ng magagandang bagay ay may kapalit. Ang makapagbasa ng iniisip ng ibang tao ay isang bagay na nagdulot sa lalaki ng pagdurusa. Nawala ang tiwala niya sa lahat ng mga tao sa paligid dahil iba ang sinasabi ng mga ito sa nabababasa niya.
Ang katotohanang akala niya dati ay halos pumatay na sa kaniyang pagkatao ay wala sa katotohanang kaniyang naririnig sa utak ng mga ito. Alam niya ang laman ng puso ng bawat isa, puro pagdududa, puro kapalaluan, at puro panglilibak ang kaniyang naririnig. Dahil dito kaya ninais ng lalaking ibalik ang kapangyarihan. Nais niyang matigil na ang mga bagay na hindi na dapat niya nalalaman. Pero ayaw kunin ng lalaking nagbigay sa kaniya ang kapangyarihan. Ayaw nitong kunin ang kapangyarihan hanggang ang kaniyang utak ay bumigay.
Hindi niya maiwasang mapaiyak sa kuwento. Makapal ang papel na kaniyang hawak. Tanging sypnosis lamang ng istorya ang kaniyang binasa pero parang dinurog na agad ang kaniyang puso. Alam na niya na isang malungkot na kuwento ang kaniyang binabasa pero hindi niya mapigilang hindi buklatin nag ilang pahina nito.
BINABASA MO ANG
Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)
Romance"Their is no saint without a past, no sinner without a future" Yan ang bagay na pinaniniwalaan ko. Ay hindi pala, yan ang bagay na pinush ng Lola Pasing ko sa akin. Sabi niya lahat ng tao may nakaraan na dapat irespeto. Na lahat ng tao may pinagdada...