Chapter 22

2.7K 79 4
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Nag away ba kayo ni Anthony?" 

Napatingin is Arthur sa kaniyang Lola na nagtatanong. Hindi niya masagot ang tanong nito. Napayuko na lamang siya ng ulo at ipinagpatuloy ang pagkain. 

Hindi man nagsasalita si Anthony tungkol sa kung ano ang problema nito, kung bakit hindi sila nagpapansinan ay hindi na niya kailangan pang magtanong. 

"May nangyari  bang masama?" muling tanong ng matanda na humawak sa kaniyang balikat. Napabuntong hininga ito ng malalim. 

"Masaya ako na nagsisimula nang magkaintindihan ang mga tao sa loob ng bahay na ito. Hiling ko na sana, bago man lang ako mamatay ay maging ganito parin ang iiwanan ko" sambit nito sa malungkot na boses. 

"Magiging okay din kami 'La" aniya na niyakap ang matanda. 

Mahal na mahal ni Arthur ang kaniyang Lola. Nais niyang maging masaya lang ito pero hindi niya alam ang gagawin. Wala pa siyang karanasan sa mga ganitong bagay. Ni hindi niya alam kung saan magsisimula para matapos na ang masamang panaginip na pinagdadaanan niya ngayon. 

"Kuya!" 

Mabilis siyang tumayo sa hapag kainan ng makitang bumaba si Anthony. Kinalimutan na niya ang uminom ng tubig o mag toothbrush man lang at dali daling hinablot ang bag na nasa sala. Pasigaw siyang  nagpaalam sa kaniyang Lola na ngumiti na lamang. 

Lumabas si Arthur ng bahay. Hinanap si Anthony ngunit parang bula lang itong nawala. 

"Kuya.. san ka ba nagsuot. Kausapin mo naman ako" bulong niya na tumakbo. Hinanap sa ilang kalye at kanto ang lalaki ngunit wala siyang nakita. 

Napaupo siya sa upuan na nasa tabi ng punong mangga. Sumandal ng patingala sa langit. Sinabayan ng sipol ang mahinang simoy ng pang umagang hangin. 

Hindi niya maiwasang hindi mainggit sa kalangitan. Habang pinagmamasdan niya ito ay mas lalo lamang nararamdaman ni Arthur kung gaano kalawak ang mundo. Kung gaano pa kalaki ang mga bagay na kailangan niyang mapagdaanan para matuto at makapamuhay ng tama. 

"Buti ka pa, kahit anong masamang sabihin ng mga tao saiyo ay hindi ka nagbabago. Hindi ka nagsasawang bigyan sila ng magandang kalangitan upang mapangiti sila" aniya na napapikit. 

Simula ng mangyari ang scandal niya noong isang linggo ay hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na pagmasdan ang magandang kalangitan. Tanging nakayuko at nahihiyang mukha na lang ang kaya niyang gawin sa harapan ng mga kaklase at teacher na walang ginawa kung hindi ay bastusin siya o pangaralan na hindi tama ang kaniyang ginawa. Na hindi dapat siya nakipagtalik sa isang lalaki na parang ginagahasa. 

Ngunit ano ba ang alam nila? Hindi naman sila ang nahihirapan pero kung makapanghusga sila ay wagas. 

Tumayo si Arthur. Nilakad ang kalsada at agad sumakay ng bus. Kailangan niyang makapasok sa school. 

"Wala akong pakialam kung tingnan nila ako ng masama. Kailangan ko na makausap si kuya" aniya na ngumiti. 

Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan ng tumigil ito. Kung bibilisan niya ay baka maabutan niya pa si Anthony sa labas ng classroom nito dahil mabilis ang driver na nasakyan niya ngayon. Halos limang minuto lang ang tinakbo nila kahit dati rati ay sampung minuto o mahigit pa ito. 

Tinakbo niya ang gate. Mabilis na nilampasan ang ibang estudyante. 

"Hep hep!" 

Napatigil siya ng makita ang guwardiya na nakangising nakatingin sa kaniyang dibdib. 

Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon