****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
(Note: Kailangan niyong bumalik ng Chapter 1 to understand this chapter :D)
"Pangloloko? Kasinungalingan? Pagpapanggap? Ano pa ang kaya mong ibigay sa akin? Kinuha mo na ang lahat. Ang aking kalayaan, ang aking katawan at ang aking kaluluwa...kinuha mo na Salvador. Ano pa ba ang kulang para maging totoo ka sa akin?"
Umiyak si Arthur habang hawak hawak ang kutsilyo. Nakatingin sa lalaking kaniyang kapareha sa play na kanilang ginagawa.
"Minahal kita ng totoo Loreta" sambit ng lalaki
"KASINUNGALINGAN. Paano mo nasasabing minahal mo ako gayong may mahal ka nang iba? Paano mo nasisikmura ang harap harapang magsinungaling sa akin kung totoong mahal mo nga ako?"
Napaluha siya ng tuluyan. Alam niyang isang palabas lamang para sa festival ang kanilang ginagawa ngunit hindi niya maiwasang hindi madala. Dahil hindi man niya naisin ay pareho sila ng pinagdadaanan ng bida.
"Hindi ko intensiyong magsinungaling. Totoo nagkasala ako, hindi ko sinabi na may mahal na akong iba...na may b-ba-babaeng nagpapatibok ng puso ko..pero hindi kasinungalingan ang nararamdaman ko sayo. Totoo ang lahat ng aking tinuran ng makilala kita Loreta"
Tumulo ang luha ni Arthur na napaupo sa damuhang gawa sa plastik. Tiningnan ang mga taong nanunuod sa paligid habang siya ay umiiyak.
Ibinalik niya ang kaniyang paningin kay Salvador na nakaluhod at hindi alam ang gagawin. Pilit kinukuha ang kutsilyong kaniyang hawak hawak.
Iniikot ng kaniyang karakter na babae ang mga mata nito sa kabuuan ng manunuod. Napatigagal pa si Arthur ng mahagip ng kaniyang mga mata ang lalaking nakatayo sa likuran ng ilang manunuod na nakaupo. Kita ang pagbabago ng kaniyang ekspresiyon at tumingin sa lalaking kaniyang ka eksena.
"Ipinangako mo rin ba ang mga buwan at bituin sa kaniya? Ipinangako mo rin bang siya lang ang tanging mamahalin mo hanggang sa malagutan ka ng hininga? Na mabubuhay kayo ng masaya katulad ng mga pangako mo sa akin Anthon.. -Salvador?"
Itinakip niya ang kaniyang mahabang buhok sa kaniyang mukha at napaluhod sa harapan ng mga manunuod.
"Loreta"
"Huwag ka nang magsalita. Naiintindihan ko naman na wala akong karapatan na ariin ang isang katulad mo Salvador. Walang lugar sa ating lipunan ang pagmamahalan natin. ...."
".....isang hamak na tagasunod lamang ako na nagkataong nagmahal sa isang maharlikang katulad mo...alam ko naman na kasawian lamang ang magiging kapalit ng pag ibig ko.." patuloy niya kahit iba ang nais niyang sabihin.
"Tumigil ka na Lore-"
"Minahal kita....at iyon ang isang bagay na pinagsisisihan ko hanggang ngayon" sambit niyang muli. Lumuluhang tumingin kay Anthony. Itinaas ang kutilsyo at itinarak ito sa sarili.
"Loretaaaaaaaaaaaaaaaaa"
Rinig niyang sigaw ng lalaki bago ito sinundan ng malakas na palakpakan. Nais man niyang manatili upang kumaway sa mga tao ay hindi na niya nagawa. Agad bumaba si Arthur sa entablado at dumiretso sa dressing room. Tinanggal ang pang babaeng costume na ipinilit sa kaniyang isuot at umalis.
Nagkausap pa sila ng kaniyang direktor na si Milly ngunit lalo lamang bumigat ang kaniyang kalooban sa mga pinagsasabi nito.
"You had him at his best Arthur but you never had him yet at his worst. Mali ka dahil naniwala kang siya ang the best na tao. Tinanggap mo na isa perpektong partner na hindi kakayaning magsinungaling para saktan ka. Pero hindi lang ikaw ang may mali Arthur...mali din siya sa kaniyang ginawa. Itinago niya ang katotohanan sayo dahil mas gusto mo ang siya ngayon at hindi ang siya na totoo..."
BINABASA MO ANG
Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)
Romance"Their is no saint without a past, no sinner without a future" Yan ang bagay na pinaniniwalaan ko. Ay hindi pala, yan ang bagay na pinush ng Lola Pasing ko sa akin. Sabi niya lahat ng tao may nakaraan na dapat irespeto. Na lahat ng tao may pinagdada...