Author's Note: Ito na po update :D
****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
Arthur's POV
"La gusto ko pong mag transfer ng school" Sambit ni Arthur habang kumakain sila ng almusal.
"Bakit naman? Di ba ikaw ang pumili na pumunta sa eskwelahang yan?" sunod sunod nitong tanong na hindi niya agad nasagot. Napasulyap na lamang siya sa upuan ni Anthony na nasa kaniyang tabi.
"E-eh.."
Naramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa kaniyang kamay. Pinisil ito ng maghina habang marahang tumango. Sinasabing "kaya mo yan"
"H-hindi na po ako kumportable sa s-sa mga schoolmates ko"
"Sus. Yun lang pala" sagot ng matanda na napatawa.
"Kasama yan apo sa paglaki. Kailangan mo silang makasalamuha upang matutunan mong makibagay sa iba't ibang klase ng tao. At normal sa tao na may mga bagay na dumarating pero hindi nating nagugustuhan"
"Pero 'La"
"Hindi ka lilipat. Kailangan mong panindigan ang desisyon mo"
Napabuntong hininga na lang siya. Kung alam lang nito ang kaniyang pinagdadaanan ay baka ito na mismo ang nagsabi na lumipat siya ng eskuwelahan. Pero hindi naman niya ito maring sabihin dito.
"S-sige po" tanging nasagot dito ni Arthur na yumuko. Ipinagpatuloy ang pagkain habang magkahawak kamay silang dalawa ni Anthony.
"Kung may problema ka Arthur o kayong dalawa ni Anthony ay maari niyo namang sabihin sa akin. Maari akong makapagbigay ng payo kung kailangan niyo"
Sabay pa kaming napatingin ni Anthony sa kaniyang ina na nagsalita. Naglagay ito ng sariling plato sa lamesa at nakisalo sa amin. Natawa na lamang ng lihim si Arthur sa ginawi nito. Aamin niya na totoong nagbago na ang babae. Hindi na niya ito nakikitang naninigarilyo sa harap ng mga bata. Hindi narin ito umiinom ng alak. Ngunit hindi niya parin maatim na humingi ng payo sa taong dahilan kung bakit namatay ang mga magulang niya.
"Hindi na kaila-"
"Salamat ma'." ani Anthony na pinutol ang kaniyang sasabihin. Ngumiti ito sabay muling pisil sa kaniyang palad. Nakaguhit sa mukha nito ang mga salitang huwag na muna siyang pumalag.
"Gusto niyo mag usap after school?" sambit ng kaniyang tita na nakatingin sa amin.
"Okay" matabang na lamang na sagot ni Arthur na napatingin sa kaniyang lola. Nakangiti itong naghanda ng pagkain. Kahit tapos na kami ay parang napakasaya pa rin nito. Hindi na lamang siya nag protesta dahil sa nakitang kasiyahan sa mukha ng matanda.
"Pasok na po kami" paalam ko na tumayo.
"Sige mga apo. Huwag mong pabayaan yang pinsan mo Anthony ha" anito na tinapik pa sa balikat ang lalaki.
"Ako na po ang bahala sa kaniya" sagot nito.
Binaybay nila ang daan papunta sa eskwelahan. Walang naging imikan hanggang sa makasay ng bus. Kahit ang pagbabayad dito ay naging parang robot na lamang dahil wala halos lumabas sa kanilang bibig maliban sa katagang "St. Benedicts kuya"
Nakababa sila ng sasakyan. Tinawid ang kalsada papunta sa gate ng paaralan ng mapansin ni Arthur na wala na ang guwardiya sa post nito. Napatanga na lamang siya sa kaniyang kinatatayuan ng ngumiti ang bagong guwardiyang lalaki.
BINABASA MO ANG
Falling For You Like A PORN-ling Star (COMPLETED)
Romansa"Their is no saint without a past, no sinner without a future" Yan ang bagay na pinaniniwalaan ko. Ay hindi pala, yan ang bagay na pinush ng Lola Pasing ko sa akin. Sabi niya lahat ng tao may nakaraan na dapat irespeto. Na lahat ng tao may pinagdada...