#BirthdayGift

8.1K 177 12
                                    

2. #BirthdayGift

Dumiretso si Tasya sa kusina ngunit hindi na niya nagawa pang kumain. Nalipasan na siya ng gutom sa nakita.

“Ano ba talagang nangyayari? Nabuhay ba talaga sila sa panaginip ko o baka naman talagang mga tao sila na nag-eexist?” Pinuno niya ng tanong ang sarili habang hinihilot ang sentidong sumasakit na sa kaiisip.

“Hindi maganda ang feel ko rito sa lalaking kulay green ang mata. Sa panaginip ko siya yung mas nakakatakot at ang mga tingin niya sa akin kanina talagang nakakatakot.” Nagtayuan ang kanyang mga balahibo at tila nanlaki ang kanyang ulo sa mga sumunod niyang naisip. “Baka kailangan kong ilayo ang best friend ko sa kanya.”

Muli na sana siyang papanik upang kausapin ang kaibigan ngunit pababa na ang mga ito. Magkaakbay sina Miah at ang lalaki. Abot-tainga ang ngiti ng kanyang kaibigan sa kanya.

“Good morning Tasy.” Tasy ang tawag sa kanya ni Miah. “Happy new year. Meet my new boyfriend Jorizce Avio.”

Maganda rin ang pangalan ng lalaki kasingganda ng panlabas nitong kaanyuan ngunit hindi iyon nagpabago sa hindi magandang  kutob niya rito. Pagbaba ng dalawa sa hagdan ay kaagad na inabot ni Jorizce ang kamay nito sa kanya. Tinitigan niya lang ito. Hindi niya magawang iabot ang kanyang kamay.

“May problema ba Tasy?” Tanong ng kaibigan niya ng mahalata siguro ang ilang niyang pakikitungo sa bagong nobyo nito.

Pabilis siyang nag-isip ng dahilan. “Ah eh, galing kasi ako sa kusina. Marumi pa ang kamay ko. Nice to meet you nalang.” Pilit niyang binigyan ng ngiti ang lalaki at saka mabilis niyang inilagay sa likod niya ang mga kamay.

“Nice to meet you Fantasia.” Natigilan siya at napatitig sa berde nitong mata ng sambitin nito ang buong pangalan niya.

“Ibang klase ka talaga Babe natandaan mo kaagad ang pangalan ni Tasy nung kinwento ko sayo.” Nangingiting sabi ni Miah.

“Fantasia Aldama, 22 years old tomorrow.”

“Wow pati ang birthday niya bukas na nakwento ko rin sayo ay natandaan mo na. I love you na talaga.” Miah was very amazed but Tasya felt that everything was wrong. Nakatitig lang sa kanya ang lalaking Jorize pala ang ngalan. Parang normal lang ang mga titig na iyon ngunit alam niyang may mas malalim itong kahulugan. Napapraning lang ba siya o may dapat siya talagang ipangamba?

“Hey Tasy! Nakatulala ka dyan.” Muli siyang bumalik sa sarili sa ginawang mahinang pagtapik ng kaibigan sa kanyang braso. “Aalis na kami ng Babe ko huh. Baka bukas na ang balik ko sa birthday mo.”

“Maaga pa ah. Mamayang gabi may trabaho ka pa.”Nag-aalalang tugon niya.

“Don’t worry about me. Nandito lang si Jorizce hindi niya ako pababayaan.” Kumapit na itong muli sa braso ng lalaki at saka lumakad palabas ng pinto.

Bago tuluyang lumabas ay minsan pa siyang tinitigan ng lalaki na muling nagpatindig ng kanyang balahibo. Isasara sana niya ang pinto ngunit kusa itong sumara at malakas ang pagkakasara rito ng hangin.

FANTASY Book 1: THEY EXISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon