Social media updates:
Note: Automatic pong mapapasama sa babatiin ko sa next published books ko under Precious Hearts Romances ang mag-follow sa akin sa Instragram at subsribe sa Youtube!Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!Hindi lang mga tao, hayop o halaman ang mga nilalang na namumuhay sa mundo. May nagsasabing may mga ligaw na kaluluwang gumagala sa paligid, nabubuhay din daw ang ang mga bampira, totoo rin daw ang mga sirena at mga diwata at iba pang mga lamang lupa.
Ngunit mayroon pa tayong hindi alam na kasama natin sa araw-araw. Kilalanin natin sila at sama-samang mahulog ang ating mga loob sa kanila lalo pa't hindi mo matatanggihan ang kanilang karisma.
You will fall for them. This is the story that will make your fantasy come to life.
Dark Erotic Fantasy Romantic Comedy Genre
-medyo marami no? hehe.. Sana ay magustuhan ninyo. :)
-MISS SL
PROLOGUE
2013
Isang malakas na kalabog ang narinig ni Fantasia sa labas ng bahay. Nasa sala siya sa ibaba ngayon ng two-storey house ng kanyang kaibigang si Jeremiah. Dito na siya tumira mula ng mamatay ang mga magulang sa isang car accident limang taon na ang nakararaan.
Alas-dos na ng madaling araw. Wala siyang kasama sa bahay dahil nakabakasyon ang kaibigan at ang ate nitong si Ma. Eunice. Hindi na naman siya pinatulog ng kanyang panaginip. Napanaginipan na naman niya ang dalawang lalaking hinahabol siya. Tumatakbo siya at lagi siyang napupunta sa dulo ng isang bangin.
"Ano kaya yun?" Natanong niya sa sarili. Kabado siyang lumapit sa pinto ngunit nagdadalawang isip siya kung bubuksan ito. Huminga siya ng malalim at mabilis niyang binuksan ang pinto.
"Wala naman pala." Lumabas pa siya upang maniguro ngunit wala naman siyang nakitang kung ano sa kadiliman ng gabi. Tumaas lang ang kanyang balahibo ng biglang umihip ang malamig na hangin. Papasok na sana siya sa loob ng biglang sumara ang pinto.
"Hangin lang yun kaya sumara ang pinto," pangungumbinse nya sa sarili. Pilit niyang inaalis ang takot na nararamdaman. Kumabog ng mabilis ang dibdib niya bago niya buksan ang pinto.
Pagbukas niya ay patay na ang ilaw sa loob ng bahay. Tumingin siya sa kalapit na bahay ngunit nakasindi naman ang mga ilaw dito.
"Baka naman naputulan lang kami ng kuryente. Baka naman hindi nakapagbayad sina Miah." Patuloy pa rin siya sa pagpapalakas ng loob gayong alam naman niyang bayad sila sa kuryente sa buwang ito. Ang totoo pa niyan ay siya pa ang nagbayad ng kanilang bill noong nakaraang linggo.
Pumasok siya kasama ang kaba na nararamdaman. Kakapain na sana niya ang switch sa gilid ng may biglang may humawak sa kanyang mga paa.
"Ahhh!" Napasigaw siya sa takot. Tatakbo sana siya palabas ng lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanyang mga paa.
BINABASA MO ANG
FANTASY Book 1: THEY EXIST
VampirosIto ang kwentong magbibigay sayo ng pag-asa na kahit magkaiba pa kayo ng mahal mo ay mayroon pa ring chance na maging kayo. Mabigo man kayo o magtagumpay, at least sinubukan niyo. Hindi kayo nagpadala dun sa bagay na pinagkaiba niyo. Marami pa ngang...