#Warning

7.9K 140 8
                                    

3. #Warning

Hindi alam ni Fantasia kung matatakot o kikiligin ba siya sa mga sandaling ito. Pagkatapos ng halos isang taon ay naritong muli ang lalaking asul ang mga mata. Hating gabi na at bigla na naman itong sumulpot. Sino ba naman ang hindi matatakot doon? Sa kabilang banda ay nakakakilig dahil tinaon talaga nitong kaarawan niya bago muling magpakita. Binati pa siya nito. Ang ibig sabihin alam nito ang kaarawan niya. Sa unang gabi palang noong mamalas niya ang kakisigan ng lalaki ay humanga na siya ng lubos rito. Pinagpantasyahan niya ito matapos ang naudlot nilang pagtatalik at umaasa siyang muling itong magpapakita sa kanya. Ito na nga ang gabing iyon.

“Wait lang ah! Salamat sa pagbati! Huwag ka naman sanang biglang mawala! Marami akong itatanong sayo!” Tinatak na niya sa isip niya na hindi na niya ito pwedeng hayaang makaalis na hindi man lang niya nakikilala at natatanong.

Tinitigan lang siya nito. Nakakatunaw tumingin ang mga asul nitong mga mata. Bagay na bagay sa maamo nitong mukha.

“Wait again! You’re a foreigner right? I remember that you speak in English the last time that I saw you almost one year ago.”

“Nagtatagalog ako.”

Napanguso siya sa narinig. “Anak ka ng … Nagtatagalog ka pala eh. Contact lens lang siguro ang mata mo ano?”

“Hindi. Kailangan ko nang umalis dahil paparating na siya. May mahalaga lang akong sasabihin sayo.” Seryoso pa rin ang mukha nito at tila nagmamadali na.

“Hindi mo pa kailangang umalis. Hindi ko pa nga alam ang pangalan mo eh.” Hinawakan niya ito sa braso at may kakaibang init siyang naramdaman. Ito ang init na naramdaman niya noon ng maglapat ang mga hubad nilang katawan.

“I’m Jelan Areus. Nagpunta lang ako ngayon upang balaan ka. Kailangan mong bantayan ang iyong kaibigan kay Jorizce Avio. Nasa panganib ang iyong kaibigan sa kanyang mga kamay. Isa pa huwag na huwag mo akong babanggitin sa kanila kung ayaw mong mas lalong mapahamak ang iyong kaibigan. Babalik ako sa takdang panahon. May hinihintay lamang ako. Aalagaan kita. Muli, maligayang kaarawan.”

Halos malaglag ang kanyang panga sa nakitang biglang pagkawala nito. Nagsimula sa paa nito papanik sa ulo ang pagkawala nito. Iyon naman ang saktong pagpasok sa pinto ni Jorizce.

“Diyos ko po! Isa ka pa!” Nasabi niya sa labis na pagkagulat.

“Isa pa ako? Bakit may iba ka pa bang kasama?” Makahulugan na naman ang mga tingin nito. Mas natatakot na siya ngayon sa lalaking ito dahil sa babala ni Jelan. Ngunit hindi niya maaaring ipahalata ang kanyang takot dahil na rin sa babala sa kanya ng huli.

“Wala. Si Miah lang ang kasama ko. Gabi na ah? Ano pang ginagawa mo rito?” Nilagay niya sa likod ang nanginginig niyang mga kamay.

“Pupuntahan si Miah.”

“Pwede bang bukas nalang? Malalim na ang gabi wala pang pahinga ang kaibigan ko eh.”

“Don’t worry papagurin ko man siya magugustuhan niya naman.” He smirked then smiled naughtily.

FANTASY Book 1: THEY EXISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon