#MenOfHerDreams

10.9K 178 4
                                    

Social media updates:
Note: Automatic pong mapapasama sa babatiin ko sa next published books ko under Precious Hearts Romances ang mag-follow sa akin sa Instragram at subsribe sa Youtube!

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

1. #MenOfHerDreams

"Nandito na naman kayo?! Ano ba talagang kailangan niyo sa akin?!"

Hindi pinakinggan si Fantasia ng dalawang lalaki. Nagpatuloy lang ang mga ito sa paglapit sa kanya. Maamo ang kanilang mukha ngunit may dala silang mga patalim.

"Tumakbo ka na!" Pasigaw na utos ng isang lalaki.

"Hindi ka makakatakas!," sigaw naman ng isa pa.

Mas lalo pang tumindi ang takot na lumulukob sa kanya ngayon. Nangangatog siyang tumalikod at kumaripas ng takbo. Takbo rito, takbo roon. Nakaraming paliko at pakurba ng daan na kanyang tinatahak. May bahaging mabato ang daan, mayroon din namang maputik. Hindi madaling makatakas.

Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo. Pagud na pagod na siya at halos habulin na rin niya ang kanyang paghinga. Habang patuloy siya sa ginagawang pagtakas mula sa dalawang lalaki ay nakaramdam siya ng kaginhawahan. Naging patag na ang daan. Madali na sa kanya ngayon ang pagtakbo. Nabuhayan siya ng pag-asa na kanina'y nilamon na ng takot.

Ngunit patibong lang pala ang lahat. Kapalit ng maayos na daan ay isang dulong wala ng patutunguhan- isang bangin ang naghihintay sa kanya.

"Diyos ko po!" Nilikom niya ang kanyang mga kamay. Tinanaw niya ang ilalim ng bangin ngunit wala siyang makita dahil sa lubhang malalim ito at tila walang makakaligtas sa oras na may mahulog dito. "Ito na ba ang katapusan ko?" Tanong niya sa sarili.

"Dalawa lang naman ang pagpipilian mo, ang mamatay sa bangin nay an o mamatay sa mga kamay ko." Tinig yon ng isa sa mga lalaking humahabol sa kanya. Nakaharap siya ngayon sa bangin. Sino o ano nga ba ang kanyang pipiliin? Sa paanong paaran bam as mabuting mamatay sa ganitong sitwasyon?

January, 01 2014

Ginising na naman si Fantasia ng panaginip na iyon. Mas naging mahalaga sa kanyang malaman ang nilalaman ng panaginip niyang iyon dahil halos mag-iisang taon na rin nang makita niya at patuluyin niya rito sa bahay ng kanyang kaibigang si Jeremiah ang isa sa lalaki sa kanyang panaginip. Malaking palaisipan sa kanya kung bakit nagkatotoo ang lalaki. Kailan niya kaya ito muli makikita?

Kahit na natatakot ay hindi niya pa rin maiwasang humanga sa lalaki dahil sa kakisigan nito. Pantasyang nagkatotoo kung kanyang ilarawan. Ang lalaking iyon din kauna-unahang lalaking humalik sa kanyang mga labi at muntik pang maging kauna-unahang lalaking makakuha ng kanyang pagkababae.

Sikat na romance novelist si Fantasia. Exclusive writer siya ng isang malaking romance book publishing house sa bansa, ang Love is Everything Publishing house. Ang tunay niyang pangalan na Fantasia Aldana ang ginagamit niya mismong pangalan sa kanyang mga nobela. Pangalan lang daw kasi ang maganda sa kanya kaya bakit hindi pa niya gamitin. Bilang romance novelist kilala siya sa paggawa ng mga kilig romantic comedy genre. Walang halong bed scenes ang kanyang mga kwento pero patok pa rin sa mga mambabasa. Sa katunayan nga ay best seller ang lahat ng kanyang mag nobela marahil nadadala ng magandang twist at paraan ng pagkakasulat kaya nagugustuhan ng mga mambabasa ang mga nobela niya.

FANTASY Book 1: THEY EXISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon