Marami sa aking nagtatanong na kung ano ba ang pakiramdam na magkaroon ng guy best friend.
Simple lang naman ang sagot.
Masaya.
Masaya kasi alam mong may masasandalan ka. 'yung tipong magiging balikat mo sa mga panahong may problema ka.
Masaya kasi sa tuwing kailangan mo ng tulong ay may handang tulungan ka, kahit saan, kahit kailan.
At higit sa lahat, masaya dahil isa siya sa mga taong nagpapaganda at nagpapasaya ng buhay ko.
Sa tuwing nakikita ko siya, pinapaalala nito sa akin na laging may pag-asa. May solusyon sa anumang problema ang iyong makakaharap.
Sa tuwing makakasama ko siya, pinapaalala nito sa akin na may halaga pa ang buhay ko na ngayo'y punong-puno ng kaligayahan.
At sa tuwing ngumingiti siya, mas lumiliwanag pa ang mundo ko.
Maswerte daw ako dahil kahit papaano ay may guy best friend daw ako.
Naiinggit daw sila dahil may posibilidad na sa susunod na mga taon ay mahulog kami sa isa't isa at kaming dalawa ang magkatuluyan.
Oo, aaminin ko na maswerte ako dahil dumating siya sa buhay ko at aaminin ko din na hinahangad kong magkakatuluyan kami.
At oo, kung nasa isipan niyo ngayon na mahal ko ang best friend ko?
Hinding-hindi kayo nagkakamali diyan.
Hinding-hindi ko din naman kasi maitatanggi ang nararamdaman ko sa kanya kaya ano pa ba ang saysay kapag tinago ko ang nararamdaman kong ito na para lang sa kanya?
Itong pagkakaibigan namin ay isa sa mga pinaka-iniingat-ingatan ko at pinaglaban ko.
Bakit?
Dahil siya ang nagsilbing araw sa madilim kong mundo.
At siya din ang nagparamdam o nagparealize sa akin na may pag-asa pa, na hindi pa huli ang lahat.
Naalala ko pa nung una ko siyang nakilala.
New student ako sa eskwelahan nila.
Mahiyain pa ako nun, as in sobrang tahimik ko.
Syempre, unang araw ng pasukan 'yun at kinakailangan ang pagpapakilala sa bawat isa.
"Good Morning everyone, my name is Jared Mykel Santiago, 14 years old. Nice to meet you all."
Iyan ang eksakto mong sinabi. Labis akong namangha sa guwapo ng boses mo; may pagka-malalim kasi 'to.
Sa katunayan, ang buong akala ko sa pagkatao mo ay suplado at mayabang ngunit mali ako, dahil ikaw pala ay isang masiyahin, palakaibigan at pasaway.
Siya talaga ang pumukaw ng atensyon ko nung mga panahon na 'yon
Para bang na crush at first sight ako sa kanya.
Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya, kasi para sa akin ay nasa kanya na ang lahat e.
Naalala ko diin na nagulantang ako nung bigla mo akong kausapin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan mo pero labis akong natuwa dahil kahit papaano ay naging magkaibigan din tayo.
Dumating ang araw nung nagrecollection tayo, madaming pinagawa sa atin, may kung anu-anong pinapagawa ngunit tayo'y natutuwa sa mga pinapagawa.
Maya-maya lang ay nagulat ako nung lumapit kayo ng barkada mo sa gawi namin, nagkwentuhan tayo noon, kung anu-anong kalokohan at puro selfie ang ginawa natin. Muli akong nagulat nung bigla mong sinabi sa akin na best friend mo na ako. Hindi ako makapaniwala dahil sa pagkakatanda ko ay hindi naman tayo ganoon kaclose, oo nga't ikaw ang unang pumansin sa akin pero madalang lang tayong mag-usap pag-tapos nun.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RomanceCompilation of Random One shot Stories *** This collection of one shots is partially a work of fiction. Names, characters and some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual...
